Sky "Do you like this place, baby?" I softly asked Jasmine. Nakaupo kami pareho sa isang recliner chair na nasa lilim ng puno ng mga niyog. Magkatabi kami habang may kanya-kanyang hawak ng buko juice. Siya na nakaharap sa dagat, ako naman ay nakatigilid, at nakatingin sa kanyang magandang mukha na bahagyang nasisinagan ng araw. Naririto kami sa isang private beach resort na pag-aari ni Erwin. Dalawang araw na kami rito at bukas ay uuwi na kami. Naisipan ko siya ipasyal dito dahil naudlot iyong pamamasyal namin noong nakaraan. Private kasi itong lugar na ito at iilan lamang ang pinapayagan ni Erwin na mag-check-in. Kadalasan miyembro ng kanilang angkan o kaya naman ay malalapit na kaibigan. Napakalawak nito at kaaya-ayang magbakasyon dito o kaya naman ay kung gusto mo lang mag-unwind upa

