KASALUKUYAN kaming nasa canteen ni Sofia at kumakain ng snacks. Kasama namin sa table si Ethan at katabi nito si Sofie na ako naman ang kaharap. Hindi kalayuan sa table namin ay ang mesa ni Levi kasama si Shin at dalawang estudyanteng babae. Kaya lang naman namin kasama si Ethan dahil nagpapa-good shot ito kay Sofia. He’s courting her at kung saan naroon si Sofie ay naroon din si Ethan. Kung ako ang tatanungin ay mukhang may mutual understanding na itong dalawa. I have nothing against Ethan dahil nakikita kong seryoso ito kay Sofie. Kahit pa kilala na itong playboy ng Kingsville. “Himala yatang wala si Xander,” narinig kong puna ni Sofie. Nang sulyapan ko siya ay nakita kong nakatitig siya sa direksyon nina Levi na masayang kausap ang dalawang babae. Kanina ko pa nga napansing wala si

