After five months. . . Sienna's POV “Yes, Chelle. Tawagan mo na lang ako kapag may balita kana sa kanya. Sige. Salamat.” Ibinaba ko na ang cellphone ko at tinitigan iyon. Iyon pa rin ang cellphone na binigay sa akin ni Xander. Napabuntong-hininga ako at tumitig sa mga puno na nasa harap ng mansyon. Itinukod ko ang dalawa kong kamay sa barandilya at napahugot ng malalim na hinga. Halos mag- lilimang buwan na kami dito sa UK at dalawang buwan na rin simula nang magising si nanay mula sa comatose. Pagkatapos niyang magamot doon sa Amerika ay umuwi kaagad kami dito sa mansyon ni Daddy kung saan lumaki si Sierra. Nalungkot ako dahil hindi ko na natapos ang pag- aaral ko sa Kingsville dahil natagalan bago ako bumalik. Ngunit sinabi ni nanay at ni Daddy na makakapagpatuloy pa rin ako ng pag-

