`` Nag-iinuman pa rin ang magkakaibigan at hindi bumalik si Rhodes, hinayaan muna nila silang dalawa. Gustuhin mang sumunod ni Zandria ay pinipigilan niya ang sarili para kahit paano makapag-usap silang dalawa. Nakalimang bote na rin si Zandria at medyo meron na siyang amats. Namamanhid ang kanyang katawan lalo na sa mukha. "Kailan pala tayo luluwas pa Maynila?" Tanong ni Yamir, napatingin naman si Zandria sa kanyang asawa hinihintay ang magiging sagot nito. "May update na ba sa tickets natin? Yan naman lagi nagkakaroon ng problema." Tanong ni Mariano bago ininom ang alak na nasa baso niya. Napataas ng isang kilay ang dalaga dahil hindi sinagot ni Mariano yung tanong. "Wala pang update ang agency, tinanong ko rin kanina walang reply." Agad namang sagot ni Yamir sa kanya. "Iyon lang

