*Zandria's Pov* __ Nagulat ako sa mga sinabi ni Uncle Mariano, dahil nagpapahiwatig na ako ang binabalak niyang pakasalan. Kita ko sa mga mata niyang nagsasabi siya ng totoo. Dahil sa gulat, hindi ako makapagsalita, at tila bumagal ang ikot ng mundo ko. Gusto kong kiligin sa harap niya, pero ayokong aminin na mahal ko rin siya. Gusto ko kasi na pahirapan muna siya, para malaman niyang hindi lahat kaya niyang kunin agad. Pero anong gagawin ni Papa kapag nalaman niya 'to? Magagalit ba siya, o alam niyang ako ang tinutukoy ni Uncle Mariano that time? Pinagseselosan ko ang aking sarili? Mabuti nalang pala hindi niya narinig yung sinabi ko noon. Pasimple kong kinurot ang aking sarili, iniisip ko kung panaginip lang ba ang lahat. Kung oo, huwag niyo na akong gisingin please lang. Mas okay

