*Mariano's Pov* —— Nagising ako dahil tumama sa mukha ko ang sinag ng araw. Napatingin ako kay Zandria na nakayakap sa’kin at nanatiling mahimbing na natutulog sa tabi ko. Marahan kong hinaplos ang mukha niya; Mamimiss ko talaga to, dahil hindi ko na makikita ang mukha niya sa umaga pag gising. Malalampasan ko ang isa pang anim na buwan; mabilis lang naman lumipas ang araw, kaya tiis-tiis muna. Susulitin ko talaga ang bawat oras at araw sa pag-uwi ko. Walang lumabas ng kwarto, magkukulang kaming dalawa. Maingat akong gumalaw at inalis ang pagkakayakap sa akin ni Zandria. Kailangan ko ng bumangon dahil ngayon ang aalis na si Attorney, pabalik sa Maynila at marami pa raw siyang trabaho. Ang mga kaibigan namin ni Bernard, dito muna sila magbabakasyon sabay-sabay na kaming pabalik ng Mayni

