*Mariano’s Pov* —— Pareho kaming naging abala ni Zandria pero hindi ibig sabihin ay hinayaan kong ma-hatid at sundo siya ni Rhodes. Lalo kong binantayan si Zandria, bilang isang manliligaw niya ayokong may lumalapit sa kanyang iba. Araw-araw akong nasa bahay nila minsan ay doon na rin ako natutulog. Sinimulan ko na kasing ipaayos ang ipinatayo kong apartment dito. Dumaan mo na ako sa coffee shop para kunin ang pinagawa kong kape para sa kanya. “Boss ito na po yung order mo, sinamahan ko na rin ng strawberry cake.” Nakangiti niyang sabi sabay bigay sa akin ng cappuccino coffee at cake na nakalagay sa box. “Bukas ube custard ang ibigay mong cake sa akin.” Seryoso kong sabi sa kanya bago tuluyang lumabas ng coffee shop. Tinawagan ko si Zandria, baka kasi may pupunta na naman siya sa b

