Chapter 9

1415 Words
*Zandria’s Pov* — Maaga ang klase ko ngayon kaya alas singko pa lang ay ginising na ako ni papa. Paglabas ko ng kwarto ay sakto namang lumabas si Uncle Mariano sa kabilang silid. Nagkatinginan kaming dalawa pero agad din akong umiwas. Hindi ko kayang nakipagtitigan sa malamig niyang tingin. "Sa akin ka sumabay mamaya, mag-uusap tayong dalawa." Seryoso niyang sabi sa akin, huh bakit? Ano namang pag-usapan naming dalawa? Galit na siya? "Kay Rhodes po ako sasakay Uncle Mariano." Sagot ko sa kanya, agad na nagbago ang ekspresyon ng kanyang mukha. Lumakad siya palapit sa akin, napaatras naman ako hanggang wala na akong ma-atrasan. Ang seryoso ng mukha niya wala akong makitang ekspresyon, lalo na sa mga mata niya walang emosyon. "Sino ang lalaking iyon?" Seryoso niyang tanong sa akin, napalunok naman ako ng sariling laway. Nakakatakot siya para niya akong kakainin na buhay. "Ka-kababata ko po si Rhodes." Nauutal kong sagot, nagulat ako dahil hinawakan niya ang aking pisngi. Nagsimula na namang mabaliw ang aking puso, sobrang bilis ng tîbok kulang na lang ay lumabas na. "Basta sa akin ka sasakay mamaya, nagkakaliwanagan ba tayo Zandria? Ayoko sa lahat hindi ako sinusunod." Malamig ba tanong niya sa akin, bago hinagkan ang aking noo at tinalikuran. Naiwan akong nakatingin sa kanya habang pababa ng hagdan. Anong nangyayari? Bakit parang iba ang trato niya sa akin? “Let’s eat Zandria, maaga ang klase mo ngayon ‘di ba?” Tanong niya sa akin bago tuluyang bumaba ng hagdan. Wala akong nagawa kundi sumunod na agad, galit ba siya? uuuwwaa nakakabaliw na kakaisip! Pagdating ko sa kusina ay nakahanda na ako ng pagkain, kaming dalawa lang ang nandito. Maaga na namang umalis si papa, lagi na lang siyang busy sa karinderya niya. Umupo ako sa tabi ni Uncle Mariano dahil nandoon yung plato ko. “Huwag mo ng uulitin yung ginawa mong hindi nagpapaalam. Nag-aalala ng husto ang iyong ama kagabi, maging ako Zandria akala namin kung ano na ang nangyari sayo.” Seryoso niyang sabi sa akin. “Pasensya na po, lowbat kasi yung cellphone ko kaya hindi ako nakapagpaalam kay papa.” Nahihiya ko na sagot sa kanya bago ipinagpatuloy kainin ang inihanda niyang pagkain para sa'kin. Nang matapos na kaming kumain ay ako na ang nag-ayos ng mga pinagkainan namin. Mamaya ko na hugasan pag-uwi, dahil half day lang naman ako ngayon. Nadatnan ko siya sa may sala dala ang aking bag at mga libro. Kukunin ko sana sa kanya pero inilayo niya. "Let's go." Malamig niyang aya nauna na siyang lumabas, bakit kailangang ihatid pa ako? Nandyan naman si Rhodes. Sumingkit yung mga mata ko nang makita silang dalawa na matalim ang tingin sa isa't-isa. Kulang nalang ay may kuryente na dumadaloy sa kanilang harapan. Anong meron? Bakit parang nag-aaway silang dalawa. "Pumasok ka na sa loob Zandria." Malamig na utos ni Uncle Mariano sa akin. Napatingin naman ako kay Rhodes nang magsalita siya. "Sa akin ka sasakyan Zand, may usapan tayong dalawa." Sabi naman ni Rhodes, pero kay Uncle Mariano pa rin ang tingin. "Sa akin ka ibinilin ng papa mo, hindi sa lalaking yan!" Mas malamig na boses niyang sabi, hindi ko alam kung saan ako sasakay. Ano bang problema nilang dalawa? Lalo na si Uncle Mariano, sinabi ko namang kababata ko si Rhodes. Pero sobrang higpit niya, hindi ko na siya maintindihan. Una hinalikan ako tapos ngayon ito, ayaw niya kay Rhodes. "Ganito na lang po, kay Rhodes ako sasakay ngay—" Hindi ako pinatapos ni Uncle Mariano sa sasabihin ko. "No, pumasok ka sa loob ng sasakyan ko Zandria Sermonia!" Pinal niyang sabi sa akin at malamig na tiningnan. "At sino naman para pigilan siyang sumakay sa akin. Nakapagdesisyon na siya kaya wala ka ng magagawa pa." Naiinis ng sabi ni Rhodes kay Uncle Mariano, huminga ako ng malalim bago nagsalita. "Pasensya na po Uncle, pero kay Rhodes ako sasakay." Pagmamatigas ko bago kinuha ang aking bag at librong hawak niya. Ayaw pa sana niyang bitawan pero pilit kong kinuha. Hindi ko na siya tinignan pa at ramdam kong nakatingin sa akin ng masama si Uncle Mariano. Hinila ko na si Rhodes dahil hindi to titigil hangga't nandito pa kaming dalawa. Wala pa naman siyang ina-atrasan. Sumakay na ako sa kotse niya, ganun din siya padabog pa nitong sinara yung pinto. "Ano bang problema niya? Akala mo kung sinong maka bakod sayo!" Gigil na sabi ni Rhodes bago binuhay yung makina ng sasakyan niya. "Hayaan mo na sayo naman ako sumakay eh. Baka sinabi talaga ni papa na siya ang maghahatid sa akin." Sagot ko sa kanya, napatingin ako kay Uncle Mariano madilim ang mukha niya habang nakatingin sa kotse ni Rhodes. Ngayon ko lang siya nakitang ganyan, wala namang masama kung kay Rhodes ako sumakay dahil magkaibigan naman kaming dalawa. "Talo pa si Tito Bernard kung maka bakod! Bakit ba nandyan siya?" Iritadong tanong niya habang nasa daan ang tingin. "Hayaan mo na nga, pwedeng bilisan mong magpatakbo malalate na ako eh." Sabi ko sa kanya, mag alas-syete na kasi eh seven thirty ang aking klase. "Hindi na ba tayo kakain?" Tanong niya pero sa malumanay nang boses hindi tulad kanina galit. "Bukas na lang, hindi ako pwedeng ma-late eh major subject ko yun." Agad kong sagot. "Mamaya susunduin kita, anong oras matatapos ang klase mo?" Muli niyang tanong sa akin. "Alas kwatro, bilhan mo na rin ako ng milk tea tapos bananacue." Nakangiti kong sabi sa kanya. "Nakaka-stress ang subjects ko mamayang hapon, math." Dagdag kong sabi bago tumingin sa labas. "Sige walang problema, basta sa akin ka lagi sumakay. Magtatampo talaga ako sayo kapag sa seaman na yun!" Binatukan ko naman siya dahil sa kanyang sinabi. "Alam mo pakiramdam ko may gusto siya sayo." Seryoso niyang sabi napataas naman ako ng kilay. "Malabong mangyari yang sinasabi mong yan Rhodes. Siya mismo nagsabi na yung babaeng matagal na niyang hinintay ay pwede ng maging sila." Paliwanag ko sa kanya nanahimik ng ilang minuto si Rhodes. "Ramdam ko lang naman, pareho kaming lalaki Zand, Strict ako sayo pero siya iba pagdating sa kanya. Bilang isang lalaki, alam ko ang ugali ng aking kapwa. Yung titig niya sa akin kanina, parang kakainin niya ako ng buhay. Gusto mo bang malaman kung gusto ka niya?" Seryoso niyang tanong sa akin, natawa ako ng mahina dahil kung anong sinasabi niya. "Ewan ko sayo Rhodes, huwag ka ng mag-aksaya ng oras. Masaya akong nakilala na niya ang babaeng para sa kanya." Nakangiti ko na sagot sa kanya pero deep inside nadudurog na naman ako. "Iba ang kutob ko Zand, basta sakyan mo lang kung anong mga gagawin ko hah, trust me!" Seryoso niyang sabi, inirapan ko na lang siya. Maya-maya pa ay nakarating na kami sa school, agad akong bumaba at nagpaalam na sa kanya. Sinalubong naman ako ni Jada, ngiting-ngiti siyang kumapit sa aking braso. "Hinatid ka na naman ni Rhodes? Kamusta ang lakad niyo?" Nakangiti niyang tanong sa akin, akala mo hindi sila nag-aaway na dalawa. "Okay naman ang lakad namin kahapon, kaso may naging problema pag-uwi. Hindi kasi ako nakapagpaalam kay papa, ayon nag-aalala sila ni Uncle Mariano. Tapos kanina nagkainitan pa sila ni Rhodes, bilin ni papa kay Uncle Mariano ako sasakay. Tapos may usapan naman kami ni Rhodes, ayon mukhang galit siya sa akin kasi mas pinili kong sumakay kay Rhodes." Paliwanag ko sa kanya, tumili naman ang malandi kong kaibigan kaya tumingin sa amin yung ibang naglalakad. "Oh my gosh, dalawang lalaki ang nag-aagawan sa beshy ko. Haba ng hair, sino sa dalawa? Si Rhodes o si Hot Marino? Ang yummy niya bes kahit kwarenta na siya, tapos napansin ko rin iba kung makatingin sayo, malagkit!" Kilig na kilig niyang tanong sa'kin, napairap naman ako sa kanya dahil kung anu-ano rin ang sinasabi. "Sino nga sa dalawa? Si Rhodes o si Hot Marino?" Muli niyang tanong sa akin, habang nakangiti at halang kinikilig pa. Landi talaga ng babaeng to, may pagnanasa rin kay Uncle Mariano. "Ewan ko sayo ang dami mong alam, anak lang turing sa akin ni Uncle Mariano si Rhodes magkaibigan lang talaga kami. Huwag mong bigyan ng malisya!" Mataray kong sagot sa kanya bago siya hinila. Narinig ko ang mahina niyang tawa habang hila-hila siya papunta ng aming classroom. Pero sino nga ba sa kanilang dalawa? Totoo kayang gusto rin ako ni Uncle Mariano? Seryoso si Rhodes kanina, ano naman kayang gagawin niya para malaman namin na mahal ako ni Uncle Mariano? Tsk ayokong umasa lalo lang akong masasaktan! TO BE CONTINUED
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD