*Zandria’s Pov* — Nagising akong wala na sa tabi ko si Ian, napatingin ako sa papel na nakaipit sa may libro ko. Binasa ko ito ala-una na pala silang naka-alis, so totoo ngang umalis na siya. Bumangon ako paupo sa kama at kinuha ang aking notebook para mag-review. Bumalik na sa normal ang lahat. Nasa kalagitnaan ako ng pagrereview nang tumunog ang phone ko. Nang mapansin kong tumatawag si Ian, agad kong sinagot. "Good morning, baby, mag-almusal ka na hah bago pumasok sa school. Halos kararating lang din namin, andito na ako ngayon sa condo ko." Masiglang sabi niya bagama't halata sa boses niya ang pagod. "Good morning din hubby, ikaw rin mag-almusal ka na dyan hah para makapag pahinga.” Agad kong sagot sa kanya. “May iniwan akong pera mo dyan sa drawer, bumili ka ng mga kailangan mon

