CHAPTER 1

1428 Words
Kanina pa ako paikot-ikot dito sa loob ng bahay ko. Hindi ko kasi maipaliwanag itong nararamdaman ko. Kanina pa ako natapos sa pagkain ko. Ang sarap nga ng ulam ko eh. Ang pambansang ulam ng mga pogi. Pechay. Paborito ko kasi ang pechay lalo na kapag isinasawsaw ko iyon sa patis. Heaven ang feeling kapag kumakain ako no'n. And speaking of pagkain... Kanina pa nga ako hindi mapakali. Iniisip ko kasi kung nasa labas pa rin ba 'yung palaboy na babae kanina. Katunayan, hindi naman halata na palaboy siya. Mukha kasi siyang mayaman na spoiled brat, nalaman ko lang na palaboy siya dahil medyo may karumihan na ang suot niya. Ano kayang nangyari sa babaeng iyon at pagala-gala sa kalsada? Haaayyy. Bahala na nga. Wala naman akong pakialam sa kanya dahil hindi ko naman siya kilala. Umupo muna ako sa sofa upang kumalma. Binuksan ko ang t.v at agad kong nakita ang kamukha ko. Well, sabi sa akin ni Allan at Peter ay kamukha ko raw si Daniel Padilla. Sus! Hindi naman ako naniniwala dahil mas gwapo pa ako doon. Wala namang abs iyon eh, tapos ako mayroon. Hehehe. Wala rin pala akong trabaho ngayon. Sa susunod na araw pa dahil iyon ang schedule ko. Paiba-iba naman kasi ang araw ng pagpasok ko sa trabaho ko dahil working student ako. Masipag na pogi kasi ako dahil bukod sa nag-aaral ay nagtatrabaho pa. Kaya maraming mga girls at pa-girls ang inlove na inlove sa katulad ko dahil bukod sa pogi na, macho pa at syempre ay masipag pa. Napahinga ako ng malalim nang maramdaman kong humahangin ng malakas. Shet! Bakit ang lakas ng hangin? Eh nakapatay naman ang electricfan ko? Siguro dahil gwapo ako at ayaw lang akong mapawisan ni Lord. Hehehe ang bait mo talaga sa akin big brother. Nawala lang ang pagtataka ko sa malakas na hangin na bumabalot sa bahay nang marinig ko ang pagpatak ng ulan sa bubong ng bahay ko. Shet naman! Ngayon pa umulan ng malakas kung kailan butas ang yero sa may bandang kwarto ko? Bahala na nga, kapag tumila ang ulan kinabukasan ang bukas ko na lang kukumpunihin ang nabubulok na yero sa bahay ko. Tamang-tama, day off dahil sabado at wala rin akong pasok sa school. Heaven! Napasulyap ako sa bintana nang makita kong kumidlat ng malakas kaya mabilis kong pinatay ang telebisyon at saka prenteng umupo sa sofa. Nakataas pa ang paa ko sa may lamesa dahil ang sarap sa pakiramdam ng simoy ng hangin. Ang lamig! Para akong naka-aircon. Napasarap ako sa pwesto ko kaya hindi ko namalayang nakatulog na ako. Naalimpungatan ako mula sa pagkakatulog ko nang marinig kong sunod-sunod na kumidlat ng malakas. Narinig ko pa ang malalakas na pagtahol ng mga aso ng kapitbahay ko. Tumatahol lang naman ang mga friends kong aso kung may tao sa labas. Tumayo ako mula sa pagkakaupo at naglakad palabas ng bahay. Pagbukas ko ng pintuan ay halos mapanganga ako nang makita kong may nakahigang babae sa harapan ng bahay ko. Nanginginig at basang-basa ng ulan. Teka?! Ito 'yung palaboy kanina ah? Dali-dali akong kumuha ng payong sa loob ng bahay. Binuksan ko iyon at mabilis na naglakad patungo sa kinaroroonan ng babaeng nakahiga sa malamig na semento. "Oy, Miss.. Tayo na diyan." Sabi ko sa kanya habang inaalog-alog ko pa ang balikat niya. Nang mapatingin ako sa mukha niya ay para bang napatigil ang mundo ko. Maganda nga ang babaeng ito. Walang duda. Nakapagtataka lang kung bakit nandito siya sa lansangan. Wala ba siyang tirahan? Napabuntong-hininga ako nang naramdaman kong sobrang init pala ng katawan niya. Nilalagnat at sa tingin ko ay hindi na kayang makatayo ng babae. Dahil gwapo ako ay nagpakabayani ako para sa palaboy na babaeng ito. Binukat ko siya at hinayaan ko na lang ang katawan ko na mabasa ng ulan. Ang importante ay maipasok ko siya sa bahay ko, dahil sa tingin ko ay hirap na hirap na ang isang ito. Nakaramdam tuloy ako nang guilty. Kung kanina ko pa siya pinapasok dito sa bahay ko ay hindi sana mangyayari sa kanya ito. Pero hindi ko naman kasalanan. Hindi ko naman kasi talaga siya kilala, at hibdi naman ako nagpapapasok sa bahay ko ng taong kahit kailan ay hindi ko naman nakilala. Pero iba naman ang case ng binibining ito, nangangailangan siya ng tulong. Sino ba naman ako para mawalan ng malasakit para sa babaeng ito? Kung tutuusin ay katulad rin naman niya ako. Noong bata ako, kung hindi lang ako nakupkop ng mga taga DSWD ay baka hanggang ngayon ay taong kalye pa rin ako. Pero ayoko nang balikan ang nakaraan ko. Baka kasi makabawas pogi points pa iyon at marami pang maturn off sa akin. Ang importante ay ang ngayon. "Hmmm...." Napako ang tingin ko sa babaeng natutulog sa sofa. Hanggang ngayon ay basang-basa pa rin ang katawan niya. Hindi ko naman siya magawang hunaran at papalitan ng damit dahil may respeto ako sa mga babae. Kaya marahan kong tinapik ang malambot na pisngi niya, "Uhmm. Gising ka na muna " Sabi ko sa kanya. Napalunok ako nang makita kong imulat niya ang mata niya. Napapatitig siya sa akin at ganoon din ako sa kanya. Shet! "P—Pagkai....." Hindi na niya natapos pa ang sasabihin niya dahil sunod-sunod na lumabas ang luha niya at hinawakan ang tiyan niya. "P—Pagkain.." "Teka.." Sabi ko, ewan ko ba kung bakit natataranta ako. "Wait ka lang diyan, Miss.. Ipaghahanda kita ng pagkain." Mabilis ko siyang ipinaghanda ng pagkain. Mabuti na lang at may sobra pa ang pagkain dito, dahil kung hindi ay makakawawa ng babaeng ito. Hindi ko pa man naiaabot ang plato sa kanya ay mabilis niyang kinuha sa akin iyon. Ang bangis! Napakamot ako sa ulo ko habang pinagmamasdan siyang kumain, "Paborito mo rin pala ang pechay? Akala ko kasi, ang paborito lang ng mga babae ay hotdog with cheese." Hindi naman siya sumagot, ang bilis niyang ngumuya kaya amaze na amaze ako. "Dahan dahan lang sa pagkain, Miss. Hindi ka naman maaagawan." Hindi pa rin sumasagot. Nang matapos siyang kumain ay saka lang siya muling napatingin sa akin. Muli akong napalunok, "Bakit naman ganyan ka makatingin sa akin? Napopogian ka ba sa akin?" Nananatili pa ring seryoso ang tingin niya sa akin, "P—Pogi.... K—Kuya.." Tumango ako at napahimas-himas pa sa baba ko, "Tama! Pogi ako pero hindi ako ang kuya mo. Wala akong kapatid." Sabi ko sa kanya. "P—Penge." Napakunot ang noo ko nang mapanguso niya, shet? "Huh?" "P—Penge... K—Kuya... P—Pogi." Mas lalong napakunot ang noo ko, "Teka teka lang ah? Ano bang sinasabi mong penge? Penge ng ano?" "P—Penge... K—Kuya... P—Pogi." Napailingna lamang ako. Nalintikan na! Mukhang may tama pa yata sa ulo ang babaeng ito. Sayang naman, maganda nga, may sapak naman. Nagulat ako nang makita kong may kinuha siyang lata mula sa bulsa niya at saka niya iyon inilahad sa akin. "P—Penge... K—Kuya... P—Pogi." Napanganga ako, "Namamalimos ka?" "Penge...." Hayyy... Nalintikan na nga! Kumuha ako ng barya sa bulsa ko at saka ko nilagay iyon sa latang hawak niya, "Oh ayan.... Limang piso. Okay na ba iyan?" Hindi naman siya sumagot, tinignan niya lang ang baryang inilagay ko sa latang hawak niya. Kinuha niya iyon at inilagay niya iyon sa bulsa niya. "Anong pangalan mo?" Tanong ko sa kanya. Umiling naman siya habang pinaglalaruan ang lata. "Anong pangalan mo?" Ulit ko sa tanong oo ngunit ganoon pa rin. Hindi naman niya sinasagot ang tanong ko. Napahinga ako ng malalim, "Okay.... Ako na lang muna ang magpapakilala sa'yo." Sabi ko sa kanya. Nakatingin lang siya sa akin na para bang isa akong telebisyon. "Ako si Hunter... At Ford naman ang apelyido ko." Sabi ko at inilahad ko ang kamay ko sa kanya ngunit tinitigan niya lang iyon. Kaya kinuha ko ang kamay niya para makapag-shakehands kami. "Ikaw? Anong pangalan mo?" Hindi niya ako inimik. "Baliw ka ba?" Shet! "Ay este.... Okay ka lang ba?" Tanong ko. Pucha naman oh! Ilang minuto na ang nakalipas pero hindi pa rin siya nagsasalita, nananatili lang siyang nakatingin sa akin na para bang isa akong telebisyon. Feeling ko tuloy artista ako. Napakamot ako sa kilay ko, "Dahil ayaw mo namang magsalita. Pechay na lang ang ipapangalan ko sa'yo. In short, Pech. Astig diba?" No response, "Okay, Pech.. Mukhang nagets mo naman.. Dito muna kita patutuluyin ngayong gabi sa bahay ko, pero dapat bukas umalis ka na, okay?" Ngumiti naman siya sa akin for the first time at muntik pa akong mapamura nang naramdaman kong tila tumalbog ang puso ko. Pucha, Hunter!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD