Ameya Martes, January 1, 2019 Katulad ng dati ay wala namang espesyal sa araw na ito. Sina Lyla at Dhana na ang kasama ko sa pang-umagang shift. Tuloy pa rin ang kasihayan dahil unang araw ng bagong taon. Buong akala ko nang araw na iyon ay magiging tahimik at masaya lang. Doon natigil ang aking isipin nang makatanggap ako ng isang balita galing kay Dhana. Lunch break ko ngayon at kasama ko ang ibang mga empleyadong kumakain. Dumaan saglit si Dhana sa pantry para mag meryenda dahil nagugutom na raw siya. Kinuha niya ang kanyang cellphone. “Uy! Alam niyo na ba iyong balita?” Napatingin kami sa kanya at may isang waiter ang nagtanong sa kanya. “Iyan ba iyong Model Killer na mukhang nag-upgrade yata sa pagpatay?” Napatigil ako sa pagkain at napatingin sa kanila. “Oo,” sagot ni Dhana,

