Ameya Sa lumipas na tatlong taon ay biniyayaan kami ulit ng isang bibo at malusog na anak na lalaki. Ang apat na taong gulang namin na si Amethyst ay hiniram muna ng mga magulang ni Justine na nakabakasyon ngayon dito sa Pilipinas. Ang bunso naming anak ni si Justy na dalawang taong gulang at super spoiled sa kanyang ama ay binubulabog kaming mag-asawa sa aming pagtulog. “Mama! Papa! Wake up! I want to pway!” Hinihila niya ang aming kumot dahil hindi naman siya maka-akyat dito sa kama namin. “Hmmm...Papa is still sleepy baby,” inaantok na sagot ni Justine sa anak namin. Late na kasi siyang dumating kagabi dahil sa isang meeting. Sabado naman ngayon kaya mahaba ang oras ng kanyang pagtulog. Iyon ang akala niya dahil nangungulit ang aming bunsong anak. “Mama! Wake up! Papa is still swee
Download by scanning the QR code to get countless free stories and daily updated books


