Justine Nang makabalik kami ni Ameya sa bahay ay agad akong tumawag kay Jethro. Hindi ko kasi alam kung ano iyong binigay sa amin ni Amanda. All throughout the interview with her a while ago, I can say that I’m still mad and scared at her at the same time. Ngayon na inaalala ko ang lahat, minsan ko na siyang nakita sa aking resto noon. Ipinakilala siya sa akin ni Ameya at hindi ko siya pinaghinalaan dahil ang tino naman niyang tignan. Hindi ko rin lubos maisip na magagawa niya ang bagay na iyon. Naghihintay kami ngayon kay Jethro dahil gusto naming ipakita sa kanya iyong binigay sa amin ni Amanda. Wala kaming ideya kung ano ito pero parehas kami ni Ameya na hindi mapakali. Maya-maya ay nakarinig kami ng doorbell at nakita naming si Jethro ito at kasama niya si Cherry, Ethan at Earl. Pina

