SINTAS

555 Words
SINTAS? By: iKnoW_L Ang sintas kapag natanggal sa pagkakatali ayusin agad. Bakit? Sapagkat maari mo itong matapakan na maging dahilan ng iyong pagkakatumba . Malayo ang paaralan ng dalagang si Satnis , sa kanilang bahay . Ngunit gusto niyang makatipid at maka-ipon upang may pambili siya ng kanyang gustong gamit .Kaya napagpasyahan niya na sumabay na lamang sa kaniyang mga kaibigan . " Hoy, Satnis 'yang sintas mo . Ayusin mo ." Puna ng kanyang kaibigang babae . Tumingin ang dalaga sa kanyang sapatos .Nakatanggal na sa pagkakatali ang kanyang sintas . Napatigil siya at ilang sigundong tinitigan ang sintas . " Hayaan mo na 'yan mamaya ko na lang aayusin."Wika ng dalaga atsaka siya nagpatuloy sa paglalakad . "Eh? Bakit mamayapa ? Baka matapilok ka ." Saad ng kaibigan pa niyang babae . "Hindi yan , Ako pa ." Tanging sagot ng dalaga habang naka ngiti sa kaibigan . "Sira ka talaga Satnis. Kapag ikaw natapilok tatawanan ka namin ." Matinis na saad ng kaibigan niyang bakla . " Don't worry beks. Hindi 'yon mangyayari . Atsaka mabilis naman ako babangon e." Mataas ang kumpiyansa ng dalaga sa sarili na hindi siya madadapa kaya humagikhik lamang siya . " Ewan ko sayo Satnis .Dami mong alam ." Nakakunot noong saad ng kaniyang baklang kaibigan . Makalipas ang ilang minuto . Natanggal na rin ang isa pang sintas ng dalaga . "Oh , Satnis. Baka naman gusto mo ng itali 'yang sintas mo." Puna muli sakanya ng kaniyang kaibigan . " 'Bat ba? Mamatay ba ako kapag natapilok ako nito ?"Natatawang tanong ng dalaga . " We're just concerned about you." Saad ng kaibigan niya . " Well," Nagkibit-balikat siya. " I'm not a kid anymore . I'm adult now . So, don't mind me . I can handle my self ." Nakangiting saad nito habang nakatingin sa kaibigan . "uy, Satnis Si Arguel oh.'Yong crush mo ." Sigaw ng kaibigan niya at itinuro pa ito . Kaya agad siyang napalingon sa direksyon ng kamay ng kaibigan . Naroroon nga ang Long time Crush niyang si Arguel Romero . Namula ang pisngi niya ng mapagtantong nasa malapit lamang ito sa kinalalagyan nila . Kokomprontahin sana ng dalaga ang kaniyang kaibigan . Subalit, natapakan niya ang kaniyang sintas sa sapatos kaya nawalang siya ng balanse. Napatili siya at napapikit ng mata sa takot na baka magkagalos siya. Nang hindi niya naramdamang tumama ang kaniyang katawan sa semento ay nagmulat siya . Namilog ang kaniyang mata ng makita ang mukha ng Crush niya at mapagtanting nakapalibot ang braso nito sa bewang niya . " 'Bat 'di mo inaayos ang sintas mo ." Seryosong saad ng binata . " 'Yan tuloy na fall ka ." Sabi nito at tinulungan siyang tumayo ng maayos. Yumuko ito at inayos ang sintas ng dalaga , "Buti na nalang na salo kita." Halos sumabog ang puso ng dalaga sa lakas ng t***k nito . Tumayo ang binata at itinapat ang labi sa taenga ng dalaga . " Saluhin mo rin ako ,matagal na kasi akong nafall sau ." " Huy , Satnis tara na . Tama na yan ." pagsingit ng mga kaibigan ng dalaga . Atsaka hinila ang dalaga . Bago pa man sila makalayo ay nasilayan niya ang nakakatunaw na ngiti ng binata . " Mga panira talaga kau ."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD