Simula noong lumipat kami sa probinsya naging boring na ang buhay ko .No internet , no malls and no friends ako dito . Lahat ng friends ko nasa manila .
May gusto sana akong tambayan kaso lagi akong nauunahan ni kuyang di ko kilala.
Noong minsan hinintay ko siyang umalis ngunit nandoon lamang siya't naka-upo at nakasandal sa puno ng mangga habang nakikinig ng musika .
Minsan ko na rin siyang naabutan na tumutogtog ng Violin .Nakakaantig ng puso ang kanyang mga tinutogtog.
Hindi ko alam pero nawiwili akong panoorin siya maghapon . Nakaupo lagi ako sa may hindi kalayuan sa kanyang pwesto.
Heto na naman ako papunta sa nagi ko naring tambayan dito.
as I expected nandoon na siya . Pinagmasdan ko siya dito sa pwesto ko . Sapalagay koy kumakanta siya .Kaso di ko rinig . hayst sayang .
Hanggang sa unti unti ng dumidilim ang paligid . tumayo na siya at nagsimulang maglakad . Pinagmasdan ko muna siyang umalis bago ako umalis rin.
"Oh Ana bat ngayon ka lang ?" Tanong sa akin ni Mama
"diyan lang naman ako ma sa manggahan ," Sagot ko .
" Ay ikaw Ana tigil tigilan mo yang pagpunta mo sa manggahan ha mamaya kagalitan ka ng may-ari nun." Kinagalitan ako ni Mama
"Eh wala naman akong ginagawa ih ." depensa ko naman .
" Ay bahala ka pati." Pagsuko ni Mama
---
Papunta na uli ako ngayon sa manggahan .
Sa bawat araw na lumilipas mas na eexcite akong makita siya at mapagmasdan .
Nanakbo akong pumnta doon kaya hinihingal akong nakarating .
Nawala lahat ng pagod ko ng makita ko siya .
Gusto ko siyang makita sa malapitan . Kaso Baka magalit siya .
Bahala na !
dahan dahan akong lumapit sa puwesto niya . Sa palagay ko tulog siya .
Dahan dahan kong sinilip ang mukha niya .
Hindi sapat ang salitang gwapo para sa kanya . Siya ang pinakagwapong nakita ko sa balat ng lupa .
Gumalaw ang labi niya kaya .Napaatras ako .
Mabuti nalang at di siya nagising .
Nilapit ko ang mukha ko sa mukha niya para mas mapagmasdan pa ang maamo niyang mukha .
Napatigil ang ako sa pagtingin sa labi niya , napakapula nito at para bang napakalambot.
Napapilig ako ng tatlong beses at napapikit.. Hindi pwede ang iniisip mo Ana - Bulong ko sa sarili ko .
Nagmulat ako ng mata at nanlaki ang mga ito ng makita kong nakamulat na ang lalaki at nakangisi .
Lalayo na dapat ako ngunit hinapit niya ang bewang ko .
"Teka pakawalan mo ako," utos ko sa lalaki .
Hindi siya umimik sa halip ay hinalikan niya ako. Na ikinatigil ng paggalaw ko .
"there," sabi nito , napakalalim ng kanyang boses
Hindi ako makagalaw .
"Hindi na kita papakawalan pa Ana ." Nagulat ako sa sinabi niya . Bat niya ako kilala.
" " Bat mo ako kilala?"tanong ko sa kanya .
" Kinalimutan mo na nga ako ,"He said then he chuckles
" Ako to si Herron." Pagpapakilala niya . tsaka ngumiti
Halos mamutla ako sa nalaman ko .
Herron is my childhood friend at crush ko siya dati . He's dead .namatay siya dahil nahulog siya sa puno ng mangga at naunang bumagsak ang ulo niya .