"Oh, eto na," sabi ni Councilor Sylvie sa akin sabay abot ng isang bugkos ng papel sa akin, "Sabihin mo na pag-aralan niya ito bago magka meeting ulit ang High Council" paalala sa akin ng Representative Councilor ng Brigantys.
She is wearing a pink scarf, maya brooch at nagpapaypay ng isang pamaypay na gawa sa barnished na kahoy. She has a very beautiful brown complexion at ilong na hindi katangusan pero hindi rin naman pango. Her eyes are black at maganda ang kanyang pustura.
It's like I'm meeting a Maria Clara-like lady in the 21st century. Nakaupo ako ngayon sa rattan made chair sa harap ng kanyang mesa at very Filipino ang office nya sa mala-Malacanang na school compound ng Brigantys.
"Sige po Councilor Sylvie. Meron pa po ba kayong iuutos?" magalang na tanong ko dito.
Umiling ito at ngumiti sa akin, "Wala na naman Verna. If I'm correct si Paladia lang ang Representative Councilor na ni-uutilize to the fullest ang Coordinator niya diba?"
Pinagana ko agad ang utak ko. Brigantys and Vasque's relations are sketchy at best. We Vasquers know that only Rayse will see us through and through. Bawat sagot o sasabihin ko sa ibang factions be they regular students or their Representative Councilors ay maaaring makaapekto sa image ng faction ko. I have to tread carefully.
Bawat sasabihin ko makakaapekto kay Councilor Paladia and my faction as well.
"Oo. Pero sa sobrang dami niyang ginagawa para sa amin, kailangan niya ng katulong para sa mga maliliit at hindi masyadong mahahalagang mga bagay. That's where I came in," sagot ko kay Sylvie.
Napangiti ito at tumaas ang isang kilay, "Inaasahang sagot na manggagaling lang sa sekretarya ni Paladia. Pinagiisipan bago sabihin."
Hindi ako sumagot dahil hindi ko malaman kung papuri ba o panloloko ang sinabi niya. Silence ang tanging sagot na nababagay sa sinabi nito.
"Ilang taon ka na ba Verna, kung hindi nakakahiyang itanong?"
"Fourteen, turning fifteen," mabilis kong sagot.
Tumango-tango lang ito, "Ang bata mo pa pala. Pero sigurado ako," tumayo siya at inabot ang kanyang kanang kamay sa akin, "Napakahaba na ng nilakbay mo diba?"
Hindi ko alam ang isasagot koya inabot ko ang kanyang kamay at dala ang papeles ay nagpaalam na ako kay Councilor Sylvie. Lumabas ako sa office niya without looking back.
As I walked past the golden statue of Christopher Malaban, Brigantys' War Hero which is holding a machine gun and raising his hand as if rallying an army to battle, I realized.
Kahit pala ang bata ko pa, ang dami na din palang dumaang mga pangyayari sa buhay ko na hindi ko napansin. O baka dahil sobrang abala ako sa pagbabasa, hindi ko na namalayan ang takbo ng oras.
Like the presentation of the new batch of Representative Councilors ng V.U last month lang.
-0-
Announcement of the victors of the recent elections of Representative Councilors.
As usual nagtipon-tipon lahat ng mahigit kumulang ten thousand students of Versalia University sa harap ng House of Council kung saan may isang malaking stage na naka setup sa harap ng gate nito.
Ang mga banners ng walong faction ay nawagayway sa hangin at nakataas ang mga bandila ng Pilipinas, Versalia University at State of Versalia Island.
Pagkatapos ng gyera ay naging Federal Government na ang Pilipinas at tinawag na itong Republican States of the Philippines o Republica ng mga Estados ng Pilipinas.
Under ng bagong saligang batas ay naging isa sa labing apat na estado ng Pilipinas ang Versalia at isa sa pinakamaunlad. Ang natayong ceremonial Governor ng Versalia Island ay ang current Chief Councilor ng High Council of Versalia University. Pero ang Mayor ng Versalia City ang technically na-control sa araw-araw na pamamalakad ng isla.
Bilang pagbibigay pugay sa naitulong ng V.U noong nakaraang gyera sa isla at sa Pilipinas ay binibigay sa kung sino mang Chief Councilor ang titulo ng Gobernador ng Estado ng Isla ng Versalia na ang kapitolyo ay ang Versalia City syempre.
Ilang dambuhalang screen ang nakalagay sa mga strategic points para kahit malayo ka sa center stage ay makikita mo ang nangyayari dito.
Nakaupo ako sa gitna ng mga kaklase kong Grade Seven at naghihintay kaming mai-announce ang bagong set ng mga Representative Councilors na pumalit sa mga nauna na namuno ng mahigit apat na taon.
Ayon sa narinig ko ay mag-fofocus na daw sa college ang naunang walong Councilors kaya minabuti nilang bumaba na sa pwesto at magsagawa ng isang malaking eleksyon para malaman kung sino ang nararapat pumalit sa kanila.
Walang limit ang termino ng pagiging Representative Councilors. Hanggat nag-aaral ka pa sa school pwede kang manatili sa position except kung mag-resign ka o paalisin ka ng sarili mong mga ka-faction which never happened before.
"Esteemed members of the Board of Trutees, Mayor of Versalia City, students, guests and people of the Philippines and around the world, it is a great honor to be the one who will proclaim the next set of Representative Councilors today!" malakas na hiyaw ng isang magandang lalaki na naka red scarf, wolf brooch at army hat sa gitna ng stage.
Malakas na sigawan ang sumagot sa kanyang announcement at nagtitilian ang mga babae kong kaklase samantalang ang mga lalaki naman ay nagsisipalakpakan ng malakas.
I looked again at the monitor and studied the face of Brix de Silva, Representative Councilor of First Class Fenrir Faction, Chief Councilor of the High Council of Versalia University.
Napakagandang lalaki nito at wala akong makitang kapula-pula sa kanyang pisikal na hitsura. He got the handsome face and well built body from his father while he got the eyes and the leadership charm of his mother.
Panganay na anak ng pinagpipitaganang war heroes na sila Brycen de Silva at Apollinaire Rabina-de Silva. Pamangkin din siya ng isa pang war icon at ngayon ay Bishop na na si Father Folcurt de Silva.
Naranasan ko ang pamumuno niya, although it's not perfect, it is very fair and very unifying. Under his term naging open ang bawat faction sa isa't isa at nasa likod nya ang buong suporta siyempre ng mga previous factions ng kanyang mga magulang, ang Fenrir at Almorica factions.
Dahil sa kanya at sa mga kapwa niya Councilor, walang faction ang napag-iiwanan at napapabayaan. He set up several parties and gatherings kung saan magkakahalubilo ang lahat ng mga estudyante.
Nagsimula na ding sumabak sa Inter State University Competion ang Versalia kung saan never pang sumali before ang aming university.
He crafted this system which assigns factions on each sports that they excel.
For example, ang Vasque at Rayse para sa swimming. Ang Feng at Brigantys sa basketball. Fenrir at Phidoch sa football and Zymeth at Almorica sa Cultural Contests.
It produced great results at nanalo ang university ng Gold Medals na pwede naming ipagmalaki.
Malungkot ako at matatapos na ang termino niya na tinaguriang "After War Golden Age of Versalia University". Umaasa ako na ‘yung susunod na batch, kahit hindi nila mapantayan, ay at least maipagpatuloy nila ang nasimulan ni Chief Councilor Brix.
"Without further ado, let me introduce to you the new Representative Councilor of First Class Fenrir Faction to the High Council of Versalia University, Fiorella Zobel!" malakas na hiyaw ni Brix at bumaling ang camera sa naglalakad na babae na naka fascinator hat at wolf brooch.
She is very prim and socialite looking. Although I can see that there is an edge of class and leadership aura that is coming from her. If I remember correctly, heiress ito ng Zobel Conglomerate. One of the largest post war corporations here in the Philippines.
Nagpalakpakan ng malakas ang Fenrir faction at pagdating ni Fiorella sa stage ay lumapit it okay Brix at tumungo bago iniabot sa kanya ang red scarf na suot ng previous councilor at ipinagpalit ang kanilang brooches.
Humarap ito sa mga estudyante at nag bow ulit bago pumunta sa far right ng stage at tumayo doon.
"Representative Councilor of Second Class Zymeth Faction to the High Council of Versalia University, Mystina Denise Maranan!"
Nakakabinging hiyawan, palakpakan at iyakan ang nakinig mula sa Zymeth at Phidoch faction at pagtingin ko sa screen ay nakita ko ang isang voloptous na babae with ash colored eyes and hair confidently walking while wearing a billowing purple scarf, butterfly brooch and flower garland made of lavender habang parang beauty queen na kumakaway sa mga Zymeths at Phidochians.
Nagbow pa ang mga estudyante ng dalawang faction habang dumadaan sa kanila si Mystina.
If I'm not mistaken, anak ito ni Alyssa Mari Maranan, Pre-War Former Deputy Representative Councilor of Zymeth Faction at ni Mystogan Ackerson Faction Hero of Rayse Faction. Both of her parents are war icons at isinakriprisyo ni Mystogan ang buhay niya para iligtas ang ilang daang Raysers noong gyera ng lumubog ang hospital ship ng faction nila.
She had her father's looks no doubt but the charm and the way she commands attention clearly came from her mother. A perfect and expected choice for Zymeths.
Nagtataka lang ako kung bakit pati taga Phidoch ay nag-cecelebrate sa pagkapanalo ni Mystina.
She stood besides Fiorella na agad nitong kinamayan.
Nasagot ang tanong ko ng sinabi ni Brix ang pangalan ng kasunod na bagong elect na Councilor.
"Representative Councilor of Third Class Phidoch Faction to the High Council of Versalia University, Stellar Mari Maranan!"
Same reaction as before. Zymeth at Phidoch factions ang nauna sa pagdidiwang ng naglakad sa red carpet ang isang matangkad na babae na more or less ay six feet, payat na may mahabang brown na buhok, maputlang balat at matang brown din ang kulay.
Daughter of Dennis Steven Maranan, Former Representative Councilor of Zymeth faction, brother of Alyssa and also one of the war heroes and icon of Zymeth faction. I think she got her mysterious looks from her mom who was Sylveria Hurst, war martyr ng Phidoch. But the way she walks and her poker face surely came from her father.
Mukhang tabingi ngayon ang pwesto ng First Class judging from the reaction of Fiorella and her Fenrir Faction nang nagbow din ang mga estudyante ng Second and Third Class kay Stellar.
Binding and permanent for sure ang alliance ng Zymeth at Phidoch, the second and third most influential faction ng V.U. Magpinsan ba naman Representative Councilors na kasunod nila. The odds were surely not in the favor of the first and most elite faction this time around.
Nagsawa ang Fenrir at Almorica sa favors nung si Brix pa ang nakaupo. I can see that changing now that Mystina and Stellar both won a seat to the High Council.
"I just want to remind all of you that this is the first time in the history of Versalia University na merong magpinsan na sabay nanalo sa election. Not to mention heiresses to the two of the most celebrated war heroes. We are clearly witnessing history in the making my fellow students!" masayang announce ni Brix sa aming lahat.
Muling nagpalakpakan ang mga estudyante at itinaas ni Brix ang kanyang kamay para patahimikin ang lahat, "Save your applause for the Chief Councilor of the High Council of Versalia University, Governor of the State of Versalia Island and Representative Councilor of Fourth Class Feng Faction, Larry Lee!"
Pumainlalang ang malakas na putok ng mga fireworks at ang sigawan at palakpakan ng mga Feng Faction. Ilang gong ang paulit-ulit na pinapatunog habang naglalakad ang isang kayumangging lalaki na payatin pero sobrang chinito ang hitsura. He is wearing a gold mandarin hat at yellow scarf.
It seems that the cat brooch is the only thing that is missing on his attire.
Pero alam ko ang dahilan kung bakit hindi ito suot ng kanilang Representative Councilor.
Ayon sa librong nabasa ko, ipinahiram bilang lifetime loan ng Feng sa pangunguna ni Xiao Ping Teh, the Pre-War Representative Councilor of the Fourth Class, ang kanilang brooch kay Apollinaire Rabina bilang pagpapakita ng malaking utang na loob sa naitulong nito sa kanilang faction noon.
She will continue to keep it until her last breath and was claimed by Apollinaire that it brings her great luck in her life.
Nakarating na sa stage si Larry at nakipagkamay kay Brix bago tumabi kay Stellar na tinanguan nito.
"Representative Councilor of Fifth Class Brigantys Faction to the High Council of Versalia University, Sylvie Dumapidez!"
Isang babaeng naka-scarf na pink, brooch na maya at mahinhin na naglalakad ngayon sa red carpet habang tinatakluban ng pamaypay ang kalahati ng kanyang mukha ang nakita kong naka forcus ngayon sa screen.
She looks very legal at parang sobrang mahinhin pero halata sa kanyang mga mata ang isa sa mga kinakatakutang qualities ng Brigantysians, ang katusuhan.
Nakarating na si Sylvie sa stage at tiniklop nito ang kanyang pamaypay na nagpakita ng kanyang morenang kagandahan at sabay na nagsisipulan ang mga Brigantysians na nagpatawa sa ibang mga estudyante from other factions.
Tumayo ito sa tabi ni Larry at nagpatuloy na si Brix sa program.
"Representative Councilor of Sixth Class Vasque Faction to the High Council of Versalia University, Paladia Gonzalez!"
Masigabong palakpakan at hiyawan from Vasquers and Raysers ang sumalubong sa babaeng naglalakad ngayon sa red carpet sa gitna ng Sixth and Seventh Class Factions.
Nakasuot ang very tough looking girl from our tech group wearing orange summer hat, seahorse brooch at orange scarf. Hindi ko napigilan ang sarili ko na tawagin ang pangalan niya at sa gulat ko ay napatigil at lumingon siya sa direksyon ko at binigyan ako ng isang matamis na ngiti bago patuloy na naglakad papunta sa center stage.
Kilala ko ng personal ang aming bagong Representative Councilor. Isa siya sa isang daang mga ulila na kasama kong tumira sa dorm ng Vasque for children like us. Unlike me, swerte siya at nakuha siya ng kamag-anak niya.
Pero naging parang ate ko siya during the time na roommates kami.
I wouldn't call her my friend. More like a mentor at tagasaway.
Mukhang naramdaman na din ng ibang faction na iba ang tabas ng bago naming Councilor.
Maangas maglakad at mukhang hindi takot sa balyahan si Paladia which I know personally na totoo.
For the first time in the history of Vasque nagkaron ng Representative Councilor ang faction namin from the mechanical group. Ang grupo na hindi takot madumihan at hindi lalampa-lampa like the rest of the Vasquers.
They specialize on tinkering and fixing stuffs kaya sanay sa mabibigat na gawain.
Kahit ang ibang mga Representative Councilor ngayon ay medyo naiilang kay Paladia pagka-akyat nya ng stage at naglakad na akala mo ay may mansanas sa kili-kili papunta sa tabi ni Sylvie na agad kinamayan nito.
The Vasquers from the mechanical group ay ang pinakamaunti sa amin. Roughly five percent ng faction population namin kaya madalang mo silang makita lalo na't hindi sila mahilig lumabas at laging nasa isang sulok at nagkukutingting ng mga makina at kung ano-ano pang gamit.
I can feel the confidence and the change of times. Our last Councilor was from the educational group kaya on the diplomatic side ang takbo ng aming faction before. Only mechanical and techs (where our pre-war Councilor Manaflora came from) ang merong natatanging taglay na dominating and political force respectively kaya I'm sure that the reign of Paladia will be for the better.
Naputol ang aking pag-iisip ng sabihin ni Brix ang susunod na Councilor.
"Representative Councilor of Seventh Class Rayse Faction to the High Council of Versalia University, Zhazsa Vuristsakatosa!"
Isang napakatangkad at napakagandang babae na nakakapa ng winter jacket, walrus brooch at brown scarf ang naglalakad na animo'y catwalk supermodel with black eyes, dirty blonde hair at very Filipino brown skin.
Malakas na palakpakan at hiyawan ang ibinigay ng faction namin at Raysers sa kanya.
She exudes the best and most fearsome quality of Raysers. Their ferocious tenacity. ‘Yung ugali na kahit wala nang pag-asang manalo ay hindi pa rin susuko at lalaban pa rin hanggang sa huling Rayser.
Mabilis na tumabi si Zhazsa kay Paladia na nagyakapan at nagkangisian bago humarap at kumaway.
The unbreakable alliance of Vasque and Rayser ay galing sa pagkakaibigan nila Mannaflora at ng pre-war Representative Councilor na si Cistina Mcmillian. From then on lagi nang magkasangga sa kahit saang bagay ang seahorse at walrus.
Beauty and brains indeed.
"The last and certainly not the least. Let's all welcome the Representative Councilor of the Eight Class Almorica faction to the High Council of Versalia University, Timothy Cortez!"
Isang may kaliitang lalaki na mas mukhang grade four kesa first year high school na naka-cream hoodie, maroon scarf at scorpion brooch ang nakita kong naglalakad sa red carpet papunta sa stage.
Malakas na palakpakan from Fenrir and Almorica ang dumagundong sa paligid.
Mukhang mahina at walang tapang ang hitsura ng Representative Councilor ng Almorica.
Pero wala ni isa mang ang nangahas na pagtawanan o maliitin siya because like the ones before him, he has this unpredictable aura surrounding his small figure.
We all know for a fact na ang mga estudyante ng Almorica ay merong unpredictable streak. Proof d’yan ang mga nakaraang Councilors nila na nagpaluhod sa ibang mga higher factions at syempre ang pinakasikat na bayani at simbolo ng Almorica na si Apollinaire Rabina.
They have the smallest population and you rarely see them outside their desert pero pag sa mga competitions na ay asahan mong laging may pasabog ang mga Almoricans.
They are the epitome of high risk, high reward. Erratic ang winning pattern. They either lose big or win big kaya hindi ka pwedeng maging kampante pag Almoricans na ang kalaban mo.
It will either be the easiest fight you'll ever have or the worst one in your life. Beware of the scorpions. You'll never know what they'll do next.
"Now that all of the Representative Councilors of all factions are here. Let's give them a round of applause as we celebrate the new set of leaders of our school! Let's hope they will lead us to greater glory! God Bless Versalia University!"