Pagkapasok ko sa loob ng building ay para akong nateleport sa loob ng Consitechland Philippines. Wala halos pinagkaiba ang lay out ng floor. Same reception are, hiring area at HR office. Kung hindi nga lang sa mga nakakasalubong kong mga Hyillians ay aakalain ko talagang nasa Maynila lang ako. Even though same height and body build, may ilan paring defining features ang mga Hyillians compared sa mga Filipinos. Katulad nitong isang lalaking nakasalubong ko papunta sa receptionist. Same average height ng mga Pinoy, almost same body build, pero ang pagkabrown ng balat ay merong pagkabronze. Ang mga braso at binti ay mahahaba pero lean. At higit sa lahat, like Elesa, ang mga itim na mata ay bilog na bilog at may kung anong “shine” pag natatamaan ng liwanag. Like they are inspir

