010 ISANG sunod-sunod na marahang katok ang narinig ni Zira mula sa pinto ng kanyang kwarto. At dahil nakahiga at nakatulala sa dingding ng kanyang silid ay hindi agad niya narinig ang mga naunang katok. “Zira?” tawag ng malamyos na boses ng babae mula sa labas ng pinto. Mabilis na napabangon naman si Zira na kanina pa gising. Dahil sa bahay ng mga magulang siya ngayon natulog ay nakasuot siya ng maluwag na tshirt, at cotton shorts nang matulog. Mabuti na lang at natuyo na sa katawan ang ilang pawis dahil sa halos limang oras din siyang nakatulala lang sa kwarto niyang di-aircon. Tinignan niya muna ang sarili at sinuklay ang medyo gulo-gulo niyang buhok, habang naglalakad papalapit sa pinto. “Good morning, Ma,” nakangiting bati ni Zira habang nakasilip sa maliit na siwang nang pintuan

