017: HALOS malibot na rin ni Zira ang upper at second deck, sa loob lamang ng isa’t kalahating oras. At gaya nga nang sabi ni Archiebal ay silang dalawa lang talaga ang tao sa buong barko. May ilang crew naman, pero hindi sila naakyat sa mga susunod na deck kung hindi kailangan. May kalakihan man ang cruise ship ni Archiebal ay sapat na ang isang oras kay Zira para isa-isahin ang mga p’wede niyang puntahan. At dahil hindi tulad ng ibang cruise ship kung saan may lido deck pa for recreational activities, ang cruise na sinasakyan ni Zira ngayon ay walang ganoon kaya mas maliit talaga ang ship kumpara sa iba. Kaya naman hindi na talaga kailangang magtagal sa paglilibot si Zira. Maliban sa lower deck kung saan para lang sa mga crew ay nabinyagan na ni Zira ang middle deck, at upper deck ng

