041: IYON DAPAT ay isang masayang araw para sa lahat. Dahil sa panibagong araw na naman ang dumating at dahil na rin sa masaya at importanteng okasyon ang kailangan nilang selebrahin sa araw na iyon. Bawat katulong sa paligid ay may kanya-kanyang pinagkakaabalahan samantalang ang iba naman ay paroon na’t parito dahil sa paglipat o pag-aayos ng mga gamit na kailangan. Pero kahit ganoon ay hindi naiaalis ang magagandang ngiti sa kanilang mukha. Ngayon na kasi ang pinaka-importanteng kaarawan para sa nag-iisa at pinakamamahal nilang si Prinsesa Catherine. At ngayon na rin ang araw kung saan ganap nang matatawag na isang Mataas na Salamangkera ang prinsesa matapos ang dalawang dekada nitong pag-aaral ng mahika. Pero imbes na maging masaya rin ang si Catherine sa araw na iyon ay kabaliktara

