004
STARING deeply at her own reflection in the mirror, like a part of her morning routine, she couldn't stop herself from ridiculing herself again. Na para bang hindi makumpleto ang araw ni Zira na hindi ginagawa iyon.
“This face is really a beauty. Na parang hinulma iyon Ng Diyos ayon sa description Niya sa salitang beauty. Pwera biro, hindi ba't maganda talaga ako, Little Raven?”
And like the question was heard by someone or something, a black raven suddenly appeared in the sink, staring curiously at the reflection of Zira through the mirror. Na para bang sinusuri nito si Zira para lang masagot ang tanong ng babae.
“Caw!”
Matapos ng malakas na uwak na iyon ay ibinuka ng ibon ang maiitim na pakpak at tsaka tatlong beses na ipinagaspas. Kasabay noon ay ang tatlong beses din nitong sunod-sunod na pag-uwak.
Zira who understand what the bird was trying to say, look funnily at the bird. Hindi niya alam kung matatawa ba o magagalit sa ibon.
“So you're telling me na kahit anong itsura ko, pangit pa rin ako? How dare you, Little Raven?!” nakabusangot na saad ni Zira habang nakaduro pa sa ibon.
Para namang nang-aasar na itinagilid pa nito ang ulo habang napakurap sa kanya at mahinang umuwak. Ang isang pakpak na lang ang ibinuka at ipinagaspas.
“You, liar. Humaba sana 'yang tuka mo, hmpk!”
Hindi naman na nagulat pa si Zira nang parang tumatawang sunod-sunod na umuwak ang ibon at magkasabay na ipinagaspas ang mga pakpak. Hindi na lang pinansin ni Zira ang ibon at muling napatitig sa sariling repleksyon.
“When did this curse would stop?” mahinang tanong niya sa sarili bago inabot ang face towel na nakasampay sa towel rack.
Dahil tapos na sa kanyang morning ritual ay dala ang face towel ay naglakad papalabas ng banyo si Zira at naglakad papunta sa clothes rack sa tabi ng labahan. Gaya ng nakagawian ay inilagay niya sa labahan ang hawak ma face towel samantalang kinuha naman niya ang nakasampay na malaking asul na t-shirt at sinuot.
Matapos noon ay naglakad na siya papunta sa kusina para makapagluto ng almusal niya. Nang mapadaan sa may sala ay hindi naman kinalimutan ni Zira ang patugtugin ang CD na palagi niyang pinakikinggan.
Doon ay nagsimula na siyang magluto. While cooking, Zira was thinking about what happened on the midnight. Sa pagkakaalala niya kasi ay parang may kakaiba nangyari kagabi kumpara sa kadalasang nangyayari tuwing madaling araw.
Last night was actually not so painful like it always do everytime. Hindi niya alam kung bakit pero pakiramdam talaga ni Zira ay hindi ganoon kasakit ang naging pagpapalit niya ng anyo ng madaling araw na iyon. To the point na nakatulugan niya pa ang pagpapalit niya ng kanyang anyo.
It was Zira's terrifying secret. Na tanging siya lang din ang nakakaalam. Not even her parents knew about it. No one but her, and the black bird with her knew about her secrets.
Sabi nga nila, walang tao ang walang tinatagong sekreto sa mundo. Maliit man yan o malaki, masama man o mabuti, lahat ng tao ay may tinatagong baho. And Zira is no different from them.
Dahil sa totoo lang ay napakaraming itinatago ni Zira. Na ultimo sarili niyang pamilya ay hindi niya mapagsabihan.
Hindi dahil sa hindi niya kayang magtiwala sa ibamg tao, o dahil sa hindi siya nagtitiwala sa mga magulang, iyon ay dahil sa ikinakahiya niya ang mga sikreto niyang iyon na kahit sa mga magulang niya ay hindi niya masabi-sabi.
Isa-isahin natin ang mga pambihirang sikreto na itinatago ni Zira mula pa man nang mag-kaisip siya, at hanggang ngayong malaki na siya.
Unang-una na sa listahan ay ang parang guardian angel niyang si Little Raven. Ang ibong uwak na baby pa lang siya ay nakwento na ng mga magulang niya na bigla na lang sumusulpot sa tuwing malapit na ang kaarawan ni Zira.
Ang nakapagtataka lang ay kung bakit sa tuwing paparating lang ang kaarawan niya tsaka lang nakikita ng mga magulang o ng ibang tao ang ibon. Samantalang sa pagkakaalala naman ni Zira ay palagi namang nasa tabi niya ang ibon.
Kaya naman sa takot na baka hindi siya paniwalaan ng mga magulang ay itinago na lang niya ang katotohanan tungkol doon at isinaisip na lang na guardian angel nga niya ang itim na ibon.
Sino ba naman kasi ang maniniwala na parang magic kung lilitaw at bigla na lang mawawala ang ibon sa kanyang tabi. Na imbes na lumipad ito palayo ay parang magic itong maglalaho. At ang isa pang nakakabilib ay ang katotohanan na naiintindihan niya ang kung ano mang sinasabi ng ibon.
Kahit pa nga puro uwak lang iyon ng uwak. Mas matalino pa ang ibon sa ibang hayop na natrain. Dahil gaya niya ay naiintindihan din siya ng ibon. And that fact can be amazing for Zira, pero hindi niya sigurado kung maa-amaze din ba ang iba kapag narinig ang tungkol doon.
Pangalawa, ay ang pambihira niyang mga kakayahan. Kakayahan na para sa ordinaryong mga tao ay isa ng kababalaghan.
Alalang-alala niya pa kung kailan nagsimulang magsilabasan ang mga kakayahan niyang iyon. Yes, mga talaga dahil hindi lang isa, kun' di tatlong pambihirang kakayahan ang mayroon siya.
Una ay bago sumapit ang ika-labing-dalawang-taong kaarawan niya. Alalang-alala pa niya na gabi iyon ng madaling-araw. Hindi niya alam pero nagising na lang siya bigla na parang nangangati ang mga palad niya. Kaya naman bumangon siya. Dahil bahagyang inaantok pa ay napaupo muna siya sa kanyang kama, at nakatulala sa dingding.
Noong iangat niya ang isang kamay para sana magkamot sa ulo ay anong gulat niya ng bigla na lang ding lumutang ang kanyang kumot. Hindi naman siya matatakuting bata pero nang makita niya talaga iyon ay malakas siyang napatili, hanggang sa magising na rin ang mga magulang niya.
Mahilig siya sa mga unnatural and supernatural films bata pa man, gaya na lang ng mga multo, engkanto, alien, vampire, werewolves, witch, beasts, mermaids, at kung ano-ano pa kaya naman hindi talaga siya matatakutin.
Pero akala niya ng gabing iyon ay may multong bigla na lang gustong magparamdam sa kanya. At dahil kagigising lang ay imbes na mamangha na dapat sana'y reaksyon niya ay napatili siya. Kaya naman kinaumagahan ay parang imbestigador na paulit-ulit niyang chineck ang kwarto, ang kumot at ang kung ano pang gamit niya sa kwarto.
Hanggang sa sumulpot ang ibong Raven at parang sinasabi nitong hindi iyon galing sa iba kun' di galing sa kanya. At doon na nga niya nalaman na parang magic na kaya niya ngang magpalutang ng mga gamit sa ere.
Pangalawa naman ay noong bago ulit ang ika-labing-anim niyang kaarawan. Kagaya noong unang beses na magkaroon siya ng parang telekinesis na kapangyarihan.
Nagising na lang din siya ng madaling araw dahil sa p*nanakit ng ulo niya at mga mata. Pinagpapawisan na siya noong nagpagulong-gulong sa kinahihigaan habang nakapikit ang mga mata na parang nag-aapoy sa init, dahilan para mapaluha siya.
Akala niya noon ay mamamatay na siya kaya naman napaiyak na lang siya at napahagulgol na parang bata sa sobrang sakit. Doon ay muling tumatakbo papasok ang mga magulang. Marahil sa sobrang sakit na naramdaman niya ay nahimatay na lang siya.
But before she lost consciousness, she could still clearly remember that when her parents came, she suddenly heard lots of voices na kapareho din ng boses ng kanyang ama at ina.
Kinaumagahan ay katulad ng naunang nangyari ay ang ibong si Little Raven lang din ulit ang nagsabi sa kanya na kakayahan niya ulit iyon, at iyon ay ang makabasa ng isip ng iba.
Having those two powerful quirks, ang dating maliit na pagdududa ni Zira para sa sarili dahil sa kakaiba niyang itsura mula sa mga magulang at sa ibang tao ay mas lumakas.
Mula kasi noong mag-aral si Zira ay naramdaman na agad niya ang disparity niya mula sa ibang bata.
Her different physical traits na kung tutuusin ay kakaiba talaga kumpara sa iba. Ang kanyang itim na itim na buhok na bagsak na bagsak at walang kakulot-kulot. Ang kanyang itim na itim na mga mata, na kapag tinitigan mo'y para kang dinadala sa isang abyss kung saan mahihirapan kang makahinga. Ang kanyang maputing kutis na mas maputi pa yata sa mga batang lumaki sa America.
Noong una ay pinupuri pa siya noon ng mga kaibigan at kaklase. Pero hindi niya alam na dahil doon ay magiging paburito siya ng mga guro na magiging dahilan ng inggit. Dahil sa mga bata pa nga ay doon na siya nagsimulang asarin.
Na kesyo ampon daw siya at hindi tunay na anak ng mga magulang. At dahil nga sa kakaibang hobby rin ni Zira mula bata kung saan nakahiligan niya ang tungkol sa mga supernatural beings ay mas lalong lumala ang mga tukso sa kanya. Na anak daw ng engkanto si Zira dahil sa kakaibang itsura nito sa kanila.
Kung tutuusin ay hindi naman siya naiiba masyado sa mga magulang niya. Dahil gaya niya ay may mga maiitim din na buhok ang kanyang ama at ina, mapuputi rin ang mga balat nito, at itim din naman ang kulay ng mga mata.
Ang pinagkaibahan lang ay walang straight ang buhok sa dalawa, katulad ng sa kanya. At mas itim na itim ang bilog ng kanyang mga mata kumpara sa dalawa. Hindi rin naman ganoon kaputi ng sa kanya ang kutis ng mga magulang.
Panghuling pambihirang nangyari sa kanya ay nagsimula noong bago ang ika-dalawampu'ng-taong kaarawan niya. Na para kay Zira ay ang pinakamalala at bangungot na pangyayari sa buhay niya.
Katulad ng mga naunang kwento, nangyari ulit ang kakaibang pangyayaring iyon noong pagsapit ng Febuary twenty-nine, ang leap year kung saan napansin ni Zira na nangyayari lang ang tungkol sa pagbabago kay Zira sa tuwing sasapit ang leap year, at lahat iyon ay nangyayari sa tuwing sasapit ang araw ng twenty-nine.
At doon nga ay nangyari rin ang pangatlong pagbabago sa buhay ni Zira, noong maalimpungatan ulit siya noong madaling araw. Parang lahat ng naramdaman niya noong mga naunang pangyayari ay sabay-sabay na naramdaman ulit ni Zira ng sandaling iyon.
Ang pangangati ng kamay niya, kasabay ng p*nanakit ng mga daliri niya. Ang p*nanakit ng ulo niya at pag-iinit ng mga mata niya, na hinaluan pa ng pagkirot ng buong mukha niya, na para bang kinukuyumos ang buong mukha niya sa sakit.
Dahil iyon ang unang beses na tumira siya at humiwalay sa mga magulang ay nag-iisa lang din sa buong unit na iyon si Zira. Kaya naman kahit gaano pa kalakas ang mga daing at ungol niya sa sakit ay walang dumating sa kanya para tumulong.
Naiiyak na siya noong marinig niya ang marahang pag-uwak ng kaibigang ibon na siyang kasama niya lang sa mga oras na iyon.
May sinabi ang ibon sa kanya na hindi alam ni Zira kung bakit pero walang pagdadalawang isip niyang sinunod. At kahit ilang beses siyang natumba dahil nga sa hindi siya gaanong makalakad ng maayos sa sakit na nararamdaman ay nilakad niya ang kanyang banyo kung nasaan may malaking salamin para tignan ang kanyang mukha.
At anong panlalaki ng mga mata niya ng makita ang itsura sa harap ng salamin.
Ang kanyang maiitim at straight na straight na buhok ay parang pugad na ng ibon sa pagkakakulot at gusot. Na parang ilang taon niya iyong hindi sinuklay dahil sa bumuhaghag ang mga iyon.
Ang kanyang makinis at puting balat ay bigla na lang kumulubot at pumutla na para siyang tumanda ng ilang taon. Ang magandang hulma ng kanyang mukha ay biglang humaba sa bandang baba at naging patulis. Ang kanyang ilong na bigla ring humaba at tumulis ang dulo na hindi na kaaya-ayang tignan.
At ang kanyang itim na mga mata ay bigla na lang naging kulay pula. Ang bilog sa gitna ay lumiit na parang s**o sa isang palamig na s**o't gulaman.
Nanginginig ang mga kamay na naitaas ni Zira ang mga kamay para sana hawakan ang mukha ng makita niya rin na maging ang mga kamay niya'y nagbago ang itsura.
Kulubot din ang mga namumutlang balat, humaba ang mga daliri samantalang nagkaroon ng mahahaba at maiitim na kuko ang bawat dulo ng kanyang daliri. Ang tutulis ng mga iyon, at nasa dalawang inches rin ang haba ng bawat isa.
Walang tanong-tanong ay mukhang may ideya na si Zira sa kung anong nangyayari sa kanya. Pero wala naman siyang patunay na totoo iyon at maging kung totoo rin ba ang kung ano mang nilalang ang nasa isip niya.
At mula noon nga ay tuwing madaling araw ay nararanasan ni Zira ng paulit-ulit ang kahindik-hindik na pagbabago niya ng anyo. Gusto mang itulog na lang ni Zira ang tungkol roon ay hindi niya magawa dahil sa may kasamang sakit palagi na gumigising sa kanya.
Kaya naman kanina ay nagtaka talaga si Zira dahil hindi siya nagising noong madaling araw at naging tuloy-tuloy ang pagtulog niya. Kung hindi lang dahil sa pawisang pakiramdam noong magising siya ay aakalain niya na hindi nangyari ang pagtransform niya kagabi.
“Let's eat, Little Raven.”
Zira rolled her eyes when she turned her body to the table, she already saw the black bird standing on it's table, obviously waiting for it's food.
“Kahit kailan ka talagang ibon ka,” naiiling na ibinaba na lang niya ang mangkok nito na may lamang paburitong oat meal. “Let's eat!”
Hindi na lang pinansin ni Zira ang ibon at masayang umupo sa harapan ng lamesa. Kakain na lang siya dahil matapos kumain ay maliligo pa siya. Wala siyang pasok ngayon, at para sa kanya ay me-day niya kung saan aalis siya at idi-date niya ang sarili.
to be continue...