MAAGANG nagising si Karenina kinabukasan. Tahimik ang bahay nang lumabas siya ng kuwarto. Dumeretso siya sa kusina at naabutan naman niya roon si ate Alma na nagluluto ng kanilang almusal. "Ate, si Mama?" tanong niya. Hinila niya ang upuan sa harap ng hapag at naupo. "Ayy, Ma'am, maayong buntag. Milakaw man imong Mama ug sayo, kauban si Ser Franco." Umalis si Mama kasama si Tito Franco nang ganito kaaga? Napatingin siya sa old wall clock na nakasabit sa dingding na nasa kanang bahagi ng kusina. Mag-aalas sais palang ng umaga. Kadalasan kasi ay alas siyete ng umaga ang alis ng mga ito papuntang planta. Ngayon lang ito nangyari na maaga ang mga itong umalis. May problema kaya? "Ang aga naman nilang umalis, Ate," "Hindi ko rin alam, Ma'am," Tumango siya at tahimik na lang na kumai

