Chapter 2

3192 Words
Pagtingin Pagud na pagud siya ng nakauwi siya sa kanilang bahay. Kumain muna sila ng hapunan bago siya hinatid ng driver nila ni Mitz. Gusto din sana nito na duon na lamang muna siya matulog. Pero nag pumilit siyang umuwi dahil ayaw niyang nakikita si Marco. Naninibago siya sa nararamdaman at hindi niya maipaliwanag ito. Alam niyang nakuha agad ni Marco ang kanyang atensyon sa unang tingin pa lamang, at hindi niya pa ito naramdaman sa kahit na sinong lalaki na nakilala niya sa school o sa lugar man nila. Pero kailangan niya itong kalimutan para sa pangarap niya sa sarili at sa pamilya , lalong lalo para sa nanay niya. Kahit pagud, matagal pa rin siyang nakatulog dahil sa kakaisip kay Marco. Kinaumagahan, medyo tanghali na siya nakagising, dahil mga hatinggabi na siya halos nakatulog. "Oh, bat parang puyat na puyat ka ve?" bungad sa kanya ng kanyang ate habang prente at nakataas ang isang tuhod sa upuan habang ito ay kumakain. "Pagud lang sa swimming kahapun ate." Sagot niya dito. Ayaw niya ring malaman ng ate nya na napuyat siya dahil sa kakaisip sa isang lalaki. kumuha na din siya ng plato at umupo sa harapan ng ate niya. Hindi na siya kumuha ng kutsara pa dahil naisip niya dagdag lang iyon sa hugasan niya. Mas gusto niyang magkamay kesa mag kutsara, mas feel at nabubusog talaga siya duon. Napipilitan lang naman siyang gumamit ng kutsara kapag kasama ang mga kaibigan at kapag nasa isa sa mga bahay ng mga ito sila kumakain. "Baka may labahan ka pa duon vea, isabay mo na sa akin, naglalaba ako duon sa likod, nagutom lang ako kaya kumain muna ako." Sabi ng kanyang ate. "Wag na ate. Ako na lang po mamaya." Tanggi niya rito. Alam niya kasing mabait at masipag ang ate niya, lalo na sa pag aaral nito. Kaya idol niya ang kanyang ate sa sipag at talino. Simula pa lang nung mga bata pa sila palagi itong nangunguna sa klase . "Isabay mo na sa akin ang labahan mo kunti lang naman siguro at ikaw na muna ang maghugas ng mga pinag kainan natin. At pasuyo na din linisan mo ang kusina. Sila nanay kc at si Ylias ay nasa palengke, c Ysmael Naman ay nasa kaibigan niya dahil may assignment daw na gagawin." Mahabang sabi ng ate niya. Saglit niyang sinulyapan ang maliit nilang kusina at tumango na dito. Mabilis lang linisan ang kusina nila at naisip niya na ding linisan ang kanilang sala dahil maliit lang naman ito. Maya-maya pa ay tumayo na ito at lumakad sa likod ng bahay nila. Siya naman ay nagsimula ng maghugas at maglinis ng kusina. Hindi na siya nag abala pang maghilamos at magsuklay kahit alam niyang parang pugad na ng ibon ang buhok niya dahil sa gulo ng pagkakahiga niya kagabi. Ilang beses ba siyang nag pagulong gulong sa kama niya kagabi kapag naaalala ang mukha at ang magigiting na abs ni Marco. Ang sarap maglaway, at naisip niya na naman ito ngayon. Bigla niyang tinampal ang ulo habang nagwawalis sa maliit na sala nila. Medyo napalakas ang pagkakatampal niya sa kanyang ulo kaya napa aray siya sa gulat. "Ate bat mo sinasaktan ang sarili mo?" Nagulat siya ng malingunan niya Ang kanyang bunsong kapatid na si Ylias. "Oh, bat dito ka? asan si Nanay?" Tanung niya rito habang nakakunot din ang nuo nito. Tumingin siya sa pintuan ng pumasok ang nanay niya. Lumapit at nagmano siya agad dito. "Bat ang aga mo nay?" Tanung niya dito habang kinukuha ang dala nitong basket na alam niyang ang laman ay pagkain nila sa tanghalian at hapunanan. "Naubos na ang tinda kong gulay, pinakyaw lahat ng pamilya ni Mitz dahil madami daw silang bisita ngayon ang sabi ni Carmen sa akin kanina." Sagot ng nanay niya. "Wow, buti naman po." Tuwang tuwa siya sa nalaman, kung mag aantay kasi ang nanay niya na maubos ang paninda nito ay baka abutan pa ito ng gabi. Kaya nagpapasalamat talaga siya sa pamilya ng kaibigan niyang si Mitz. "Ang bait ng mga kaibigan mo Vea, ganun na din ang kanilang pamilya, sana mas lalo silang pagpalain sa buhay. Sabi ng nanay niya habang nag aayos ito ng mga karne, itlog at mga gulay sa maliit nilang ref. "Opo nay, sobrang ang swerte ko po sa kanila dahil sila ang naging mga kaibigan ko." nakangiti niyang sabi dito. Maya maya pa ay may narinig silang ugong ng sasakyan, napasilip ang nanay niya sa may maliit nilang bintana. "Puntahan mo muna sa labas ng gate natin Vea, nasa harapan ng bahay natin yung pick up eh." Utos sa kanya ng kanyang nanay. Nagtataka naman siya kung sino ang nasa labas, kapag kasi ang mga kaibigan niya ay pumapasok na lang agad sa kanilang bahay. Namataan niya ang sasakyan nila Mitz, pero nagtataka naman siya kung bakit hindi pa ito umiibis sa sasakyan. Nang malapit na siya sa kanilang gate ay bigla namang lumabas ang sakay nito. At muntik na siyang matalisod ng makitang si Marco pala ang sakay at sumunod naman si George na bumaba na parang bagong gising lang. "Oh hi," bati niya sa dalawa, kahit kay George lang siya nakatingin, at ramdam niya ang panginginig ng kanyang tuhod dahil sa biglang ragasa ng kaba sa kanyang dibdib. "Pinapasundo ka sa amin ni Mitz, dahil may party mamayang gabi sa mansyon nila." Sabi ni Marco. Saka niya lang ito tiningnan, at para siyang nagsisi ng magkatinginan sila dahil napansin niyang titig na titig ito sa kanyang mukha. Pakiramdam niya sobrang pula na ng kanyang mukha at gusto niyang tumili at magpagulong gulong ulit sa kanyang kama... "Oh shit..." Hawak niya sa kanyang buhok, saka niya lang narealize na wala pa pala siyang suklay at hilamos man lang. Nakita niyang tumaas ang kilay nito at sinuyod siya ng tingin simula ulo hanggang paa. "Saan ka ba napaaway at ganyan Ang itsura mo." Sabi nito sa kanya. At pakiramdam niya para na siyang matutunaw sa kahihiyan, kunting kunti na lang at matutumba na siya. "Ang ganda mo pa din ate Vea kahit hindi ka pa nakasuklay. Puwede bang pumasok sa bahay nyo?" Tanung sa kanya ni George na nakangiti sa kanya... "Tsssk... ayaw niya ata eh." sagot naman ni Marco. Arrrg... Anu ba ang mangyayari sa kanya.. sobrang nakakahiya... "Ah, he,he, pa-pasuk kayo, nagulat lang ako na nadito kayo, pa-pasinsya na kung maliit lang ang bahay namin at... Nagulat siya dahil hindi pa siya nakakatapus magsalita ay nilampasan na siya ng dalawa nilang bisita. Agad na pumasok ang mga ito sa bahay nila, bisita nga bang matatawag ang mga ito dahil pagpasuk palang ay agad ng umupo sa upuan nilang kahoy sa sala. Mag pinsan talaga ang mga ugok na ito dahil akala mo kung sinong mga hari kung makaupo. "oh, mga kaibigan mo sila ve?" Tanung ng kanyang nanay ng lumapit Ito sa kanila. Magandang umaga po, mga pinsan po kami ni Mitz, pinapasundo po siya sa amin para sa party mamaya. Sagot ni Marco na pansamantalang tumayo at nakipag kamay na din ito sa nanay niya. Si George naman ay tumayo din at nagmano sa nanay nya. "O sige, hindi ka man lang nagpasabi Vea, bat di ka pa nakabihis?" baling sa akin ni nanay. "Ngayon ko lang po nalaman nay eh." sagot naman niya na kumakamot sa ulo. "Pasinsya na po kung biglaan, marami Po kasing ginagawa si Mitz dahil sa pagsama sa iba pa naming mga pinsan." Paliwanag naman ni Marco. "Ah ganun ba, o siya magbihis ka na duon anak," Utos sa akin ng aking nanay na bahagya pa akong tinulak, pero parang ayaw pang umalis ng kanyang mga paa dahil sa pagkabigla. "Magpapabili muna ako ng meryenda nyo mga iho, maupo muna kayo diyan ah." Narinig niyang sabi ulit nito ngunit pinigilan naman agad ni Marco dahil aalis din daw agad kami. Ready na ang damit ni Vea sa bahay nila Mitz tita, at ihahatid nadin namin siya papunta sa salon nila ni Tita Marla. Nagulat siya sa sinabi nito, Wala man lang tawag o text Ang bruhita niyang kaibigan. Mabilis siyang pumasok sa kwarto na malapit lang din sa sala nila. Kumuha ng tuwalya at damit na komportable lang suutin at saka binitbit na palabas dahil nasa likod ng bahay ang CR at paliguan nila. Namataan niya pa si Marco na nakasunod ang tingin sa kanya habang si Goerge naman ay nakatingin sa cellphone nito. Wala na ang nanay niya at baka nasa kusina na. Nadaanan niya ang kanyang ate na nagsasampay sa likod ng bahay nila. "May lakad ka?" Tanung nito. Pumasok muna siya sa banyo bago sumagot dito. Mabilis ang kayang pagligo, ayaw niyang mag antay ng matagal ang kanyang mga sundo. Nahihiya siya. Kung tumawag lang man sana ang mga kaibigan niya kahit siya na lamang ang pumunta duon. O baka naman plinano ito ng mga pilya niyang mga kaibigan dahil sa nangyari kahapun. "Sinu ang mga bisita mo duon sa loob vea?" tanung ng kanyang ate na nakataas pa ang kilay. At sa tingin niya kanina pa nito inaantay ang paglabas niya sa banyo. "Mga pinsan sila ni Mitz ate, pinapasundo ako dahil may party sa bahay nila mamaya." At tumalikod na siya rito, ayaw niya ng umusisa pa ito dahil baka mabuko siya sa kung anong nararamdaman niya kay Marco. "Vea, wag munang mag boyfriend ah." Pahabol nitong paalaa, habang mabilis siyang naglalakad papasuk ulit sa bahay nila. Mas mahigpit talaga ang ate niya kaysa sa kanilang nanay, pero naiintindihan naman niya ito. At yun naman ang tama. Ito nga ay hindi pa din nagkakaroon ng boyfriend pero marami ang pumapasyal sa bahay nila para sana ligawan ang ate niya. Tayo na, yaya niya sa dalawa habang pareho ng nanunuod ang mga ito ng TV. Parang gusto niyang matawa sa pinapanuod ng mga ito. It's Showtime iyon, at hindi niya alam kung naiintindihan ba ng mga ito ang palabas. Tumingin sa kanya si Marco, at pinasadahan ulit siya ng tingin simula ulo hanggang sa kanyang paa. Na conscious man siya sa uri ng tingin nito pero hindi na lamang siya nagpahalata at nagpatiuna na siyang maglakad sa labas. "Nay, alis na po kami," sigaw niya habang binubuksan ang gate. Nang lumingon Siya ay laking gulat niya ng malapit lang ang agwat nila ni Marco. Pakiramdam niya ay inaamoy siya nito. Kaya bahagya siyang lumayo dahil sa kakaibang nararamdaman niya. Napansin naman niya ang simpleng pag ngiti at pag iling ni George. Napatingin siya sa bahay nila ng sabay na lumabas ang ate at nanay niya sa may pintuan. "Ingat kayo anak." Sabi ng nanay niya at kumaway sa kanila. "Wag magpagabi masyado Vea at bawal ka pang uminom." Paalala naman ng ate niya. "Opo ate." Sagot niya rito. Para talagang tatay nila ang ate niya. Napangiti na lamang siya. "Mauna na po kami". Paalam naman ni Marco sa mga ito at pumasok agad ito sa sasakyan, napansin niyang suplado at napaka ungentleman talaga nito dahil hindi man lamang ito ngumingiti at hindi siya pinauna upo sa loob ng sasakyan. Nauna si Goerge sa akin at papasuk na sana ito sa loob ng sasakyan ngunit sinitsitan ito ni Marco at sininyas ang sa tabi ng driver. "Tsssk... bakit ayaw mo ako dito kuya?" sagot nito habang nakangiti at papunta na sa tabi ng driver. Sa likod ng inupuan ni Marco sana siya uupo pero nagulat siya ng bigla nitong inayos ang katabing upuan at inimuwistra sa kanya. "You can sit here." Sabi nito ng hindi man lang tumitingin sa kanya. Napilitan siyang umupo sa tabi nito. At bahagyang nakaramdam ng kaba. Hindi niya maintindihan ang sarili kung bat ganito ang nararamdaman niya. "Are you scared?" Tanung nito and this time naka tingin na ito sa kanya na medyo nakadukwang ang mukha malapit sa mukha niya. Nagulat man sa lapit ng mga mukha nila pero bahagya naman siyang umiling. "Sc-scared of what? nauutal na tanung niya din dito at hindi pinapahalata ang mas dumobleng kaba na nararamdaman. "Of me." sagot nito, saka ito umayos ng upo at nakatingin pa rin sa kanya. "Hindi." tugon niya rito at umiwas na ng tingin. Sa labas ng bintana niya na lamang itinuon ang pansin, at baka hindi niya mapigilan ang sarili at matitigan niya lang ito ng husto. Bahagyang pumikit siya saglit at kinalma ang sarili.. Her whole body is trembling, and she don't know why? Titig at napalapit lang ang katawan nito sa kanya ay may kakaiba na agad na impact iyon sa kanya. Lalo na sa kanyang dibdib, mabilis ang pagtibok ng kanyang puso. Gusto niya ng makarating sa salon at para hindi niya na ito makasama, pero aminado siyang parang ang sarap sa pakiramdam na katabi nya ito, at gusto niya itong palaging makita. Pero natatakot din siya. Bata pa siya para sa pag ibig at marami pang responsibilidad sa buhay. Pumikit ulit siya, at nangako ulit sa sarili na pipigilan ang kung anu mang kakaibang nararamdaman. Hindi ito ang tamang panahon at naniniwala siyang darating ang kanyang tunay na pag ibig sa tamang panahon. At kung kailan handa na siya. Mabilis siyang umibis sa sinasakyan nila, hindi niya na hinintay pang makababa si Marco at pumasok na agad siya sa Salon nila ni Mitz. Nakita niya ang mga kaibigan, si ate Marie at Hannah, nasa kabilang side naman ng kwarto ang mga magulang at ate ni Mitz na si Chloe. Pakiramdam niya exclusive lamang para sa kanila ngayon ang salon dahil sa party na gaganapin mamaya. Wala kasing ibang tao siyang nakikita kundi sila sila lang. Binati at biniso siya ng lahat bago hinila ni Mitz para ayusin daw ang kanyang buhok ng isang bakla na nakangiti at nag aantay sa kanya sa upuan. Sa likod nito ay salamin at nakaready na ang mga gamit nito. "Besh, sorry ah hindi ako nakasundo sayo kanina, sinamahan ko kasi ang mga pinsan ko dito sa salon. Paawa effect pa ito na habang nagsasalita sa kanya. "Ok lang besh, maano lang man sana at tinawagan mo ako diba at sinabi na may sundo ako." Pairap niya itong tiningnan. "Nasurprise ka ba?" Malaki na ang ngiti nito ngayon habang nakatingin sa bandang likuran niya. Nang masundan niya ang tingin nito sa may harapan na salamin ay nagtama naman ang tingin nila ni Marco Kaya agad siyang nagbaba ng tingin. Humalakhak naman ng malakas ang mga kaibigan niya. Bahagyang uminit ang pisngi niya. Ngayon alam niya na talaga na pinagkakaisahan siya ng mga ito. Nahihiya siya dahil baka alam din ni Marco na may pagtingin siya dito kahit bago pa lang sila nagkita Oo, aminado na talaga siya na yun yung nararamdaman niya ngayon. At kailangan niya din paalalahanan ang mga kaibigan niya na hindi puwede ito. Biglang napatingin ulit siya sa salamin ng marinig niya ang boses nito na nagpapaalam na mauuna na sa kanila dahil may pupuntahan pa ito. Bigla rin itong tumingin sa may salamin at nagkasalubungan ulit ang tingin nila. Kung hindi lang ito kinalabit ni George ay baka hindi pa naputol ang titigan nilang dalawa. Sabay na lumabas ang mga ito. Wow, parang inlove na ang NBSB natin dito ah... bulong sa kanya ni Joan. "Tsssk, tumigil ka nga, baka may makarinig, nakakahiya. Saway niya kay Joan. Pero hindi man lang ito nag paawat at ginaya ulit ang nangyari kanina na pagtitig niya sa salamin... si Liza Mae naman ang nagkunwaring si Marco, at tumawa ang mga ito. Nanggigil talaga siya sa mga kaibigan at akmang pang kutusan niya ang mga ito pero lumapit na ulit sa kanya ang mag aayos ng kanyang buhok kaya tumigil na lamang siya. 7p.m pa lang pero marami na ang dumating na mga bisita sa mansyon ng mga Zumirez, halatang may mga kaya at bigatin ang mga bisita. Sanay na din naman siya sa mga ganitong party, pero hindi siya sanay na makipag usap, mas gusto niya na nasa tabi lang, kumakain at nag oobserve sa paligid. Pinahiram siya ng kaibigan na si Joan ng gown, usapan ng mga ito na pareho sila ng mga kulay ng gown na susuutin and as usual dahil wala naman siyang sariling gown at pambili kaya pinagamit sa kanya ni Joan ang gown nito na hindi pa nasusuot. Royal blue ang kulay ng suot nilang gown, iba-iba lamang ang style at design ng mga ito. Naiilang man siya sa suot niya dahil backless ito at kita ang kalahati ng likod niya, habang ang harap nya ay kitang kita ang may katamtaman niyang cleavage, hanggang sa may paanan niya ang haba ng gown at sobrang fit sa balingkinitan niyang katawan at binagayan pa ng kanyang buhok na alon alon at sumasabay ang bagsak kapag naglalakad siya. Hangang hanga din siya sa tatlo niya pang mga kaibigan, walang itulak kabigin dahil iba iba man ang ganda ng mga ito pero pareho niyang matatawag na walang tapun dahil bukod sa magandang katawan at mukha, mababait pa ang mga ito. "Your so beautiful tonight ve." Hindi niya namalayan na nakalapit na sa kanya ang mommy ni Mitz. "Thanks po tita, and thank you for inviting me, and you look so stunning and beautiful din tita, and what a curve? .. " Ngumiti siya ng abot tainga dahil sa paghanga din dito, 52 years old na ito pero parang nasa 30's pa lang ang edad nito. Bumiso siya dito at bahagyang yumakap. Pero mas niyakap siya nito ng mahigpit. "Ha,ha, binubola mo naman ako, your always welcome hija, alam mo naman na parang anak na din ang turing namin sayo at sa mga kaibigan mo, mag enjoy kayo ah. Nagpaalam na kami sa nanay mo. Hinaplos nito ang maalon alon niyang buhok sa likuran. "Salamat po tita.." Sabi niya rito. "Ok, punta muna ako kay Tito mo, dahil may mga dumating na naman na bisita. Just enjoy the party. Maiwan muna kita dito, parating na din si Marco dahil siya ang partner mo ngayong gabi." at umalis na ito ng nakangiti at bumiso sa mga bisitang kakarating lang. Nanatili naman siyang nakatulala dahil sa narinig niya sa mommy ni Mitz. Nang makalapit sa kanya ang tatlong kaibigan ay napansin niya naman ang apat na mga lalaki na nakasunod sa mga ito, nakilala niya ang tatlo na mga kasintahan ng kanyang mga kaibigan at ang isa naman ay si Marco na nakasimangot pero ramdam niya ang titig nito na parang nanunuot sa kailaliman niya. Parang hindi siya makahinga ng lumapit ito sa kanya at inoffer ang mga siko nito. Hindi pa rin siya makahuma sa kinatatayuan at ang tatlo niya namang mga kaibigan ay nag sipag ngisihan lang sa kanya habang naka hawak na sa mga kanya kanyang boyfriend. Nag patiuna na din ang mga ito dahil may table ng nakalaan para sa kanila at nasa unahan iyon banda. Naiwan siya kasama si Marco duon na nakatayo at nakaumang pa din ang siko nito sa kanya upang alalayan siya papunta sa table nila. Sobrang guwapo nito kahit walang naka paskil na ngiti sa mga labi. Bakit ba napaka perfect nito palagi sa tingin niya kahit ang seryoso nitong tingnan. Hay, parang ice cream siya na matutunaw dahil lang sa titig nito ngayon.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD