Maaga akong pumasok,tulog pa si Maggie ng umalis ako.Nag-iwan ako ng note sa may ref at nakaluto na din ang breakfast niya.Parang magakapatid na ang turingan namin ni Maggie,minsan nga napagkamalan pa kaming magjowa dahil paglumalabas ay hawak kamay o kaya'ya magkaakabay.Ang isa naming kaklase ay nagtanong pa talaga na kung sino sa amin ang lesbian dahil pareho naman daw kaming babaeng babae manamit.Tumawa nalang kami sa mga mapanghusga.Pagdating ko ng mansyon ay pinipilit ako ni tita Agnes na kumain muna.Pero busog ako dahil maaga akong nagluto ng breakfast.
""Iha kumain ka muna alas syete palang naman."Naku tita busog po talaga ako at kakain ko lang sa apartment.."Ikaw bahala,goodluck sa unang araw mo,huwag kang mag-alala at mabait naman yang boss natin.Hindi ako tumagal dito ng sampung taon kung hindi sila ok sa akin.."opo mabait po sila,e iyong asawa po niya ang mommy ni Angel?...."naku si maam Angelica subrang bait din n'ya iyon nga lang e..."
"Yaya Agnes,handa na po ba ang pagkain ni Angel?...."ay sir oho,magsasandok lang ako,iha maiwan muna kita dito ha?..."Sige po tita,papasok na din po ako sa opisina.."Mamaya na Loraine you can join us for breakfast.."Naky sir busog po ako,kumain po ako kanina bago umalis sa tinutuluyan ko..."Ok sige,kakain lang ako at ibigay ko sayo maya ang mga detalye sa trabaho mo,bago ako pupunta ng kumpanya..."Tinuruan nyo na po ako yesterday sir kaya alam ko na ho.."I'm sorry nakalimutan ko sa sobrang daming iniisip."Its ok sir,at hindi naman po mahirap ang trabaho saka alam ko pong madami kayong gagawin.I promise po hindi po ako magiging pasaway at gagawin ko po ng tama ang trabaho ko para matulungan po kayo..."Iyan ang gusto kong marinig sa mga nagong secretary ko pero ikaw pa lang ang nakagawa..Thank you Loraine,sana tatagal ka dito..
Naging palaisipan sa akin ang huling sinabi ng boss ko,bakit nakailang secretary na ba s'ya at mabait naman siya ah,bakit umaalis ang mga sekretarya n'ya?Pumasok na ako sa opisina dito sa mansyon ng makita kong palabas na ang kotse ni boss sa may crystal na window dito sa opisina.Halatang sinadya na pinalagyan ng window dito na nakaharap mismo sa main gate.Naging abala ako sa pagawa ng report at pagscan sa mga nag email kay sir at pinoforward ito sa kanya.Madami ding inquiry about sa mga business nitong house realty at sa sarili nitong airlines.Bakit pati ticket dito e dapat sa mga outlet na..Wala naman akong karapatan magreklamo dahil ang dali lang naman ng trabaho,iyon nga lang nadedelay ang pag i encode at pagpasa ko ng mga documents pag sunod sunod ang inquiry.Dapat may kasama ako dito kahit isa man lang.
"Busy?
"Sir,akala ko po nasa opisina kapa..
"Kakatapos ng meeting ko sa airlines company kaya dumaan muna ako dito...
"Ahm,ang dami ko pong senend sainyo doon na mga papeles sir,kailangan nyo na pong pirmahan iyon.
"Huwag ka masyadong magpakapagod hindi naman rush ang mga iyon.
"Para po hindi kayo matambakan,mahirap po pag sobrang dami na nga gawain,sakit sa ulo.Kaya nga noong nasa Batangas ako,lahat ng gawain sa bahay ay maaga kung tinatapos para hindi tatambak.
"May point ka din d'yan,may assistant naman ako sa opisina kaya madali lang.Pipirma lang naman trabaho ko at kung may problema doon ako busy para kausapin ang client.
Hindi ko alam kung bakit nasabi ko sa babaeng ito ang mga gawain ko na hindi ko naman nasabi pa sa mga dumaang secretary ko.Aaminin ko magaan ang loob ko sa kanya,kahapon pa lang nag ininterview ko ito,parang nakikita ko sa kanya ang kapatid ko.The way she act and talk lalo na ng kausap niya si Angel kahapon.Ang speaking of an angel ito na nga ang Angel ng buhay ko na nagtatakbo pa palapit sa akin.
"Daddy,your home na why so early po?
"Because daddy want to see you my Angel..
"Wow,ang sweet naman ng daddy ko talaga that's why i like you much dad.If i become lady na i want a boyfriend as sweet as you dad..
Napatawa ako sa inasta ng batang babae sa ama niya habang nakapulupot ito sa mga leeg ng boss ko.Nakatungin naman sa akin si boss na nakangiti kaya yumuko ako,iba ang ngiti niya sa akin na para bang may ibig ipahiwatig ito...Tssk...tumigil ka nga sa ilusyon mo Maria Loraine may asawa na iyong tao.
"Of course honey makahanap ka din ng boyfriend na kasing sweet ng daddy pero bata kapa huwag mo muna isipin yan ha,kinder ka pa nga lang e...Yes po dad,e ikaw po ate Loraine may boyfriend kana po ba?
"Ha e,wa~la pa.Ayaw ko kasi ng sakit ng ulo baby e.."Sakit po ba sa ulo pag may boyfriend ate?...I mean,ayaw ko pa magboyfriend bata pa din si ate Loraine e...
"Hindi kana po bata,you're tall na po and lady kana.
"Angel,labas na muna tayo ha.Kasi may work pa si daddy at babalik ang dad sa company.
"Dad can i stay here with ate Loraine muna?Yaya Agnes is in the cr she's taking a bath pa.
"Ok,pero bawal magulo ha,dahil busy si ate Loraine.
"Yes dad,promise po.
Lumabas ako ng opisina narinig ko pa ang usapan ng dalawa.May kung ano sa puso ko ng nalaman kong wala pang boyfriend si Loraine,pero hindi maari itong feelings na nararamdaman ko.I have my daughter already at nangako akong hindi ako mag aasawa para lang kay Angel.Kay Angel lang ang attention ko,sa kanya ko lang ibuhos ang lahat.Nang biglang nagring ang cellphone ko at si mommy ang tumatawag..
"Uuwe kami ng daddy mo sa makalawa,magbabakasyon kami d'yan.Make sure na wala d'yan ang anak ng kapatid mo.Kasama ko si Audrey ang kinakapatid mo,gusto din magbakasyon ng Pilipinas.Kakatapos lang ng masteral degree sa medisina.Kung tinuloy mo din sana ang pagdodoctor mo dito sa U.S di sana sabay kauong natapos ni Audrey.
"Mom,you know naman na naging busy na dito sa Pilipinas kaya umuwe ako.Ok naman na Business Management ang natapos ko dahil ako lang naman ang hahawak sa mga business natin dito.
"Parehong pareho kayo ng rason ng ama mo..Clyde iyong sinabi ko,ilayo mo d'yan si Angel dahil may bisita tayo..
"Mom,apo mo si Angel at hindi ako makakapayag na ilayo s'ya dito!
"Dahil sa batang iyan nag aaway tayo!Basta ayaw ko s'yang makita d'yan pagdating namin.Period!
"Mom,anak s'ya ni Angelica at apo n'yo s'ya.Bakit ba ang layo ng loob mo sa kanya!
"Dahil anak s'ya ng hindi natin kilala kung sinong lalaki ang nagbuntis sa kanya!Dahil sa kanya namatay ang kapatid mo!
"Mom,apat na taon na ang nakalipas.Forget everything!
"Forget Everything huh?Ayaw ko ng makipagdiscuss sayo.Basta sundin mo ang sinasabi ko!
Pinatay naman agad ng ina ko ang linya..Kailan pa kaya magbago si mommy at matanggap na niya si Angel..