"Magbihis ka Audrey,huwag mong ibaba ang sarili mo sa akin! May mahal na akong iba! Sabi ko sa babae at tumalikod na dito. Sexy ito at maganda pero ayaw ko sa ugali nito.
"Clyde! Tawag nito sa akin.Saktong paglingon ko sa kanya ay agad ako nitong hinalikan at hinawakan ang akin.Tinulak ko ang babae sabay mabilis na lumakad palabas.
"Clyde!!!! Dinig ko pang sigaw niya.
Nakalabas na ako ng bahay ng tinawag ako ni mommy pero tuloy-tuloy lang ako.Gusto ko ng puntahan si Loraine upang ipakilala sa kanila.
Loraine Pov
Nagising ako na medyo masama ang pakiramdam ko,masakit din ang akin dahil sa nangyari kagabi sa amin ni sir Clyde.Paano kaya kung magbunga ang ginawa namin,ano ang gagawin ko? Mahirap lang ako,mayaman sila.Baka mangyari sa akin ang nangyari sa mommy ni Angel.
"Ate why po?Bakit parang ang lalim naman po ng iniisip mo? Tanong sa akin ni Angel.
"Ah,wala baby may iniisip lang si ate.Gutom ka na ba?
"Opo,i want to eat breakfast na po.Kaya niyaya ko na ito sa kusina.Paika-ika pa ako maglakad at napansin naman ito ng bata.
"Why po? What happen to you ate Loraine?
"Ah wala,masakit lang ang paa ni ate.
"Kawawa ka naman po..Dahan-dahan nalang po tayo. Sabi naman nito kaya ginulo ko ang kulot-kulot nitong buhok.
At ngumiti naman ito sa akin,pagdating sa kusina ay hinandaan ko agad ito ng almusal.Cute na cute ito habang hinihintay ang egg omelet na niluluto ko.Sabay timpla ng gatas niya.
"Ate Loraine i like you po..Sana ikaw nalang po ang maging mommy ko kung mag-asawa ulit ang daddy!
"Matutupad iyan anak! Lumingon agad ako sa lalakeng nagsasalita ng natapunan ako ng gatas na tinitimpla ko para kay Angel.
"Ouch!!! Sabi ko at lumapit naman ito sa akin bigla.
"Are you ok? Agad nitong kinuha ang kamay ko at dinala sa gripo.
"Ok lang ako sir. Sabi ko sabay bawi ng kamay ko na hawak-hawak niya.
"Daddy why are you here po? Sorry kagabi nakatulog po ako sa pamamasyal natin ha..
"Ok lang baby,alam mo naman malakas ka sa akin eh. Sabi nito at ginulo naman ang buhok ng anak.
"Nandito ako dahil susunduin ko na kayo ni ate Loraine! Si ate Loraine ay sa mansyon na titira!
"Talaga po?Wow ate Loraine sa amin kana din po.
"Ha eh,baka magalit si lola at lolo mo sa akin eh..Sabay tingin ng bata sa daddy niya.
"Ako na ang bahala kay mom and dad Loraine.Hindi ka nila gagalawin dahil kasama mo ako..Seryoso nitong sabi sa akin.
"Pero,sir hindi po tayo ano eh...Wala pong tayo..Sabi ko dito..
"Mahal kita Loraine,mahal na mahal! Sabi nito habang hawak ang mga kamay ko.
"Ate,love ka din ni daddy..Answer him na din po..
"Ha e...Tumingin ako dito at ngumiti.Pero may pag alangan parin sa aking isip.
"Loraine please answer me..please!!! Lumuhod naman ito sa harapan ko.
"Oy tumayo ka dyan...Oo na sinasagot na kita...
"Sinasagot na ano?
"Ahm..Mahal din kita! Mahal na mahal..Sabi ko at binuhat ako nito sabay sigaw ng yes..Tuwang tuwa naman si Angel at niyakap din ako nito..
Pagkatapos ko magligpit ay nagpaalam na ako sa kaibigan ko.Yumakap naman ito sa akin.
"Basta best kapag kailangan mo ako,nandito lang ako ha.Tawagan mo agad ako kung may problema ka doon!
Ngumiti lang ako sa kanya at hinarap nito si Clyde..
"Clyde,ang bestfriend ko ha..Mahal na mahal ko iyan! Ngumiti naman ang lalake sa kanya.
"Ako na ang bahala sa kanya,saka attend ka sa kasal namin ha.. Sabi nito na siyang ikinagulat ko.Kasal agad? Ngayon nga lang naging kami..Kung sabagay wala nga kaming relasyon pero may nangyari na agad sa amin kagabi..Bulong ko sa aking sarili.
"Tara na babe...Yaya nito sa akin at hawak kamay kaming palabas ng apartment.Siya na ang nagbibit ng isang maleta kong bag at hinatid naman kami ni best hanggang kotse..
Habang sakay ng kotse ay hindi ako mapakali.Ang daming what if sa isip ko,what if kung magalit sa akin ang magulang niya,what if kung paalisin din nila ako.What if kung hindi ako kayang ipagtanggol ni Clyde..Basta ang daming what if..Hanggang nakatulog na pala ako sa pag-iisip ko.
Clyde pov
Kasama ko na si Loraine at Angel..Bahala na kung ano ang sabihin nila mom and dad.Alam kong kay dad ay wala akong masyadong problema.Si mommy ang inaalala ko.Napangiti ako ng makita kong nakatulog ang babae alam kong puyat ito dahil sa nangyari kagabi.Napatingin pa ako sa may clevage nito dahil nakabukas ang isang butones nito.
Muli akong nagpukos sa pagdrive,bakit ba sa simpleng tingin ko dito ay nabubuhayan agad ako.Iba talaga ang dala ng babae sa akin..
"Dad,ok lang po ba na makita ako ulit ni lola? Baka po aawayin nanaman ako no'n!
Ngumiti ako dito at sinabihang nandito lang ako para sa kanya at kasama naman niya lagi si ate Loraine niya,kaya tumawa na lang ito at sumenyas na huwag ng maingay dahil tulog ang dalaga.
"Kawawa nga po iyan daddy eh kasi masakit daw po ang paa niya..Hindi siya makakalakad ng maayos.
Ngumiti nalang ako sa inosenteng bata.
"Ahm,napulikat ang ate Loraine..Sabi ko na nakangiti.
"Opo,kagaya sa akin noon.Diba dad binuhat mo nalang ako noon dahil hindi ako makalakad? Dapat binuhat mo din si ate Loraine kanina.
"Mamaya kapag masakit pa ang mga paa niya,i will carry her nalang..Sabi ko dito at ngumiti naman ito.
Ginising ko nalang ang babae dahil tulog na tulog ito pagkadating namin sa mansyon.
"Nandito na pala tayo,sorry nakatulog ako.
"Ok lang babe,tara na?
"Ahm...ok lang ba talaga na dito na ako titira? This is your parents house! Sabi nito na may pag-alala sa mukha.
"Ok lang babe,kung hindi ka nila tanggap, like i said lilipat tayong tatlo ni Angel! I have my own condo near to the office..Nandito tayo dahil gusto ko ipakilala kana sa kanila bago sila bumalik ng Amerika next week!Tumango naman ito sa akin at hawak kamay kaming tatlo papasok sa mansyon.At nakita ko naman agad ang tatlo na nasa sala,sabay pa silang tatlo na nakatingin sa amin.Tumaas naman ang kilay ni Audrey at si mom naman ay tumayo agad na ang mga mata ay nakatingin kay Angel.