Nagulat ang dalaga habang inaayos nito ang mga lulutuin ni Aling Jospephine.
"Sino ka?
Tanong agad niya pero tinitigan lang siya nito.
"Sabi ng sino ka eh!"
Napasigaw na siya ng bigla siyang hinawakan nito sa braso.
"Kung ako sayo lumayo layo kana dito at huwag na wag ka ng magpakita pa sa lugar na ito.Loraine nasa panganib ang buhay mo!"
Napailing naman si Loraine.Hindi kasi niya makita ang mukha ng lalake dahil nakasalamin ito na itim at naka facemask na hanggang ilong.
"Sino ka ba?Alam kong nasa panganib ang buhay ko pero lumayo na ako sa kanila!
"Pero nakita parin kita dito!"
Natulala naman si Loraine..
"Inuutusan niya ako na patayin ka!Kaya sige na!Alang-alang nalang dyan sa baby mo na nasa sinapupunan mo pa!
Doon unti-unting naaninag ni Lorain ang boses ng lalake.
"L-Lando? Lando ikaw ba iyan?"
Pero imbes na sumagot ang lalake ay tumakbo na ito papalayo.Hinawakan naman ni Loraine ang dibdib niya dahil kinakabahan siya.
"Kung ganun si Lando ang isa sa nagtangka ng buhay ko noon?At sino ang kasama niya?Baka alam niya kung sino ang may gustong magpapatay sa akin.Kailangan ko itong malaman.Si Angel,si Clyde kumusta na kaya sila? Kailangan kong tawagan si tita Agnes.Baka nandoon pa siya sa mansyon.
Kaya agad namang kunuha ng dalaga ang cellphone niya at denial ang numero ni Agnes pero out of coverage ito.
"Manang on your phone naman..Nag-alala na ako sa mag-ama.."Sabi nito na tumutulo na ang mga luha sa mata.
"Anak bakit umiiyak ka?"Si Josephine ng makita ang dalaga na tumutulo ang luha.
"Tsang,nag alala na ako sa mag-ama na naiwan ko sa mansyon.
"Bakit ayaw mong dalawain?
"Nasa panganib ang buhay nila kung pupunta ako sa kanila.
"Anak buntis ka,paano na ngayon iyang anak mo?
"Mas mabuti na siguro ito tsang kaysa malagay ko sa panganib ang buhay ng mag ama da mansyon.
"Gusto no ba na ako ang pupunta doon?Hindi nila ako kilala.Pwede akong magpanggap na mag aapply.
Napaisip naman si Loraine sa sinabi ng madrasta niya.
"Sure ka ba tsang na gagawin mo ito for me?
"Anak sa dami ng naging kasalanan ko sayo,gusto kong makabawi anak.
"Tsang huwag mo ng isipin iyon.Tapos na iyon.Saka delekado itong gagawin mo.Hindi ko alam kung sa labas o sa loob ba ng mansyon ang may kagagawan nito.
"Anak kagaya ng sinabi ko,hindi nila ako kilala.Hayaan mong makakuha ako ng impormasyon.Para hindi kana mag alala pa sa mag-amang naiwan mo doon."
"Salamat tsang,maraming salamat.
Niyakap naman agad ni Loraine ang madrasta.
"Sige tsang papayag ako,pero mag-iingaf ka po hmm.?
"Oo iha,sige aalis ako ngayon din at sabihin mo sa akin ang exact address para mapuntahan ko na.
Agad naman isinulat ng dalaga ang address para mabigay sa madrasta.
"Ito ho,mag-iingat po sana kayo."Wika nito sa ina-inahan.Nagmamadali namang lumabas si aling Josephine at si Loraine na ang nagpatuloy sa kanyang ginagawa.
Habang sa mansyon naman nila Clyde ay iyak ng iyak si Angel.Namiss na niya ang kanyang ama.Puro pasa din ang kanyang binti dahil sa pagpalo ni Audrey sa kanya.Awang-awa naman si Agnes sa bata.Nagulat pa siya ng may nag door bell sa gate.
"Angel baby dito ka muna ha titingnan lang ni yaya kung sino ang tao sa labas.
"Yaya dont leave me please!
"Babalik agad si yaya ok?Tumango na lamang si Angel at naghalukipkip sa likod ng pintu-an.
Habang si Agnes naman ay malapit na sa gate ng biglang sumigaw si Audry.
"Ako na manang! Baka mamaya basta-basta mo nalang papasukin ang mga iyan dito sa loob!"
"Sige po maam,babalikan ko lang si Angel sa taas.
"At huwag na huwag mong pababain,maliwanag?
Tumango na lamang si Agnes at nagmamadaling umakyat.
"Sino kayo?Si Audrey na nakapamaywang pa talaga.
"Hi maam good morning po ako ho si Josephine.
"O ngayon?
"Baka po nangangailangan kayo ng kasambahay dito.Naghahanap po ako ng mapapasukan.
Tiningnan naman ito ni Audrey mula ulo hanggang paa.
"Sino ang nagsabi sayo na naghahanap ako ng kasambahay?
"Ah wala naman po,nagpaalam lang ako sa guard na kung pwede ako magpasa ng resume ko at magtanong tanong sa kung sino ang nangangailangan ng katulong.
"Well kailangan ko nga dahil nag-iisa nalang ang kasama ko dito sa bahay.
"Talagang maam? Naku salamat ho kung ganun!
"Opps,kailangan ko ng nbi at medical certificate mo.Mahirap na!Pasok ka muna at may pag-uusapan tayo bago ka mag-umpisa pero make sure sa pagbalik mo may dala-dala ka na ng mga requirements.
"Oho maam,maraming salamat po.
Napangiti naman sa loob-loob niya ang ginang.Nang may narinig itong umiiyak sa taas.
"Umupo ka muna manang at may kailangan lang akong ayusin sa taas."Wika ni Audrey at tumango lang si Aling Josephine.Nilibot naman ng ginang ang paningin niya sa paligid.Sakto namang namataan niya si Clyde na nasa sala.Malayo ang tingin ng binata na animoy may iniisip.
"Siya kaya ang boss at naging boyfriend na step daughter ko? Bulong ng ginang sa sarili.
"Gwapo ha at mukhang siya ang may ari ng mansyon na ito e kaano-ano kaya niya ang mataray na babaeng iyon?."Dagdag pa niya.
"Manang,bumalik ka nalang dito kung may mga dokyumento kana.May importante lang akong aayusin."Untag sa kanya ni Audrey.
"Ah sige po maam,babalik nalang po ako dito.Maraming salamat ho."Sagot naman niya at nagpaalam na siyang umalis.Napailing na lamang siya dahil hindi na siya pinanansin ng dalaga.
Samantala si Loraine naman ay kakatapos lang nilang kumain ng pananghali-an ni Boyet.Nagulat pa siya ng dumating ang madrasta.
"Dito na po kayo,kumusta po ang lakad ninyo?Tanong agad ng dalaga.
"Oo iha at nakita ko doon ang amo mo.Naku parang wala sa sarili at ang layo ng tingin.
"Talaga ho? Kumusta naman po sila? Si Angel ho nakita nyo rin po ba?
"Wala akong nakitang bata doon eh,pero umiiyak may narinig ako.
"Umiiyak ho?
"Oo at mukhang hindi ok ang kalagayan ng bata.Si Clyde naman na boss mo naka welchair ito.
"Po? P-paanong naka welchair ho?
"Iha huwag kang magpanic,mukhang ok lang naman siya.Saka iyong babae na matapang parang hindi mapagkatiwalaan eh.Ang sabi niya isa nalang daw ang natira niyang kasambahay kaya nga tanggap ako agad pero kailanganin ko daw magdala ng nbi clearance at med cert pagbalik ko.
"E Inay sigurado po ba kayo na mamasukan kayo doon?
"Kung ito lang ang paraan na makatulong sayo iha.Gagawin ko lalo na ngayon na kailangan nating umalis na dito.
Hindi naman nakaimik si Loraine at ang kapatid naman niya ay tahimik lang na kumakain.Nag-iisip naman si Loraine kung payagan niya ang madrasta na magtrabaho sa mansyon.At saan naman sila pupunta ni Boyet kung aalis sila sa tinitirahan nila ngayon.
Abangan....