Nag-alala naman si Manang Agnes sa bata kaya agad niyang tinawagan si dr.Cruz ang doctor ng pamilya.Hindi pa naranasan ng bata ang makurot man lang pero ngayon ito ay nabugbog ni Audrey.
"Manang Agnes ano kaya kung isumbong natin kay don Ito."Sabi ng isang katulong kay Agnes na abala kay Angel.
"Tama ka Inday pero hintayin na lang natin ang pagdating nilang mag-asawa.
"Ano ba naman kasi sila mas inuuna pa nila ang aasikasuhin nila doon.Alam naman nilang nasa hospital sir Clyde.
"Baka importante lang talaga ang aayusin nila doon.
Sabi na lamang ni aling Agnes kay Inday at dumating na din si Dr.Cruz.Agad nitong tiningnan ang bata.
"Doc kumusta ang alaga ko?
"Ok naman siya,mabuti at hindi masama ang pagka bagsak niya sa hagdan."Nagulat pa ang dalawa at ang alam ng doctor ay nahulog ito sa hagdan.
"Nakausap ko na si Audrey sa baba.Siya daw ang nakakita sa bata na nahulog.Manang Agnes pakibantayan nalang ang alaga mo para hindi na ito mangyaring muli.Kakalabas lang niya sa hospital at si Clyde ngayon ay hindi pa alam kung kailan ito maka-alala."Mahabang lintanya ng doktor kaya nagkatitigan na lang si inday at Agnes.Nagpapaalam naman agad si doctor Cruz dahil may aasikasuhin pa daw ito sa hospital.
"Iba talaga ang ugali ng bruhang iyon aling Agnes."
"Naku ang bunganga mo Inday baka marinig ka.Pakitingin lang muna kay Angel ha at tatawagan ko ang pamangkin ko baka alam niya kung saan si Loraine ngayon.Nag-alala na din ako sa batang iyon,abay isang buwan ng hindi nagpaparamdam ah."
"Sige ho,ako na muna ang bahala sa alaga ninyo."Sagot naman ni Inday kay Agnes.
Samantala abala naman sa pagdidilig ng halaman si Loraine.Sinabi na din niya sa kapatid at madrasta niya ang kanyang kalagayan.Sakto namang may buyer na din sa kanilang bahay at lupa kaya madali na din sa kanila ang mag lipat.
"Naku tama na iyang pagdidilig mo at nalulunod na ang mga halaman!
"Kayo po pala aling Ismi.Magandang umaga ho.
"Magandang umaga naman iha.Aba'y nabalitaan kong may bibili na sa bahay ninyo.Totoo bang dalhin mo na sa Maynila ang kapatid at nanay mo?
"Oho,Kailangan ko na din po kasing bumalik sa trabaho eh."Pagsisinungaling ng dalaga.Pero ang totoo ay umiiwas na lang din siya sa tsismis bago malaman ng mga ito na nagdadalang tao siya.Buntis pero walang asawa.Hindi din kasi niya makontak si Clyde.Baka nagpalit na din ito ng number.
"Naku nakakalungkot naman kung ganun.Sige iha at mag-ingat kayo doon ha.
"Salamat po Aling Ismi.Kayo din ho mag-ingat po dito."Sagot na lamang ng dalaga.
Nakahinga naman ng maayos ang dalaga ng makaalis na ang no.1 tsismosa daw sa lugar nila.Ang babaeng inuutangan nila ni Boyet kapag walang-wala sila noon.Tapos magugulat nalang siya na kumalat na ang tsimis na ang utang nila ay malaki na at hindi pa siya nababayaran."Tss..maki marites lang! Bulong ng dalaga sa isipan ng biglang naalala niya si Angel.Nakita kasi niya ang anak ng kapitbahay nila na kasing edad lang yata ng bata."Kumusta na kaya ang alaga kong iyon.Kumain na kaya siya? Naaalagaan kaya siya ni Clyde o kahit sino doon sa mansyon? "Bulong ng dalaga sa kanyang isipan.
Lumipas pa ang ilang araw at linggo ay nakalipat na din sila sa Maynila pagkatapos mabayaran ng buyer ang bahay nila.Umuupa lang sila ng apartment sa Harisson,Pasay na nagkakahalaga ng 10,000 buwan-buwan.Dalawang kwarto na ang kinuha ni Loraine para may sarili siyang silid.Magkasama naman sa kwarto si Boyet at ang stepmom niya.Kailangan nilang magtipid dahil manganaganak pa siya.Baka mabilis lang maubos ang isang milyon na pera niya na nagmula sa bahay at lupa na minana niya sa magulang.Ibinigay pa niya ang 100k sa stepmom niya.Ang perang nasahod niya kay Clyde ay paubos na din.Naisip ng dalaga na gamitin ang pera sa negosyo.Nag-isip siya ng magandang business para hindi agad maubos ang perang hawak niya.
Samantala sa mansyon naman ay maagang pinuntahan ni Audrey si Clyde.Nilagay kasi ito ni Agnes hardin para magpainit.
"Kumusta kana asawa ko? Bungad ng dalaga sa pananahimik ni Clyde.Tiningnan naman siya ng binata.
"O bakit ganyan ka makatingin? Pasinsya kana ha at hindi kita naaalagaan,medyo busy sa business natin.
"Sino ka? Bakit asawa ang tawag mo sa akin?
"Ikaw talaga,honey bakit ganyan ka hmm? Isang linggo mo lang ako hindi nakita e nakalimutan mo na agad ako.
"Lumayo ka sa akin,hindi kita kilala!
Narinig naman ni Aling Agnes ang sigaw ni Clyde kaya pinuntahan nito ang amo.Nagulat pa siya ng hinalikan ni Audrey ang lalake sa labi.
"Ano ba ang pinaggagawa ng babaeng ito sa amo ko? Baliw na ba ang babaeng ito?Bulong ni Agnes sa sarili.
"Hayaan mo honey,mula ngayon ako na ang mag-aalaga sayo hmm?"Dinig pa ni Agnes.Alam niyang madali mauto ang amo dahil wala ito sa kaisipan.Natuwa na nga lang sila ni Inday at Agring dahil nakapagsalita na ang amo.Si Angel naman ay ok na din pero ayaw lumabas ng kwarto dahil natatakot kay Audrey.Napailing nalang ang babae at bumalik na sa kanyang ginagawa.Ngunit nagulat siya ng marinig niya ang boses ni Angel na sumisigaw.Kaya agad niyang inakyat ito sa kwarto.
"Angel iha bakit? Pag-alalang tanong niya sa bata.
"Napanaginipan ko po si ate Loraine.Sinasaktan daw po siya ng mga bad.At nakita ko na tumatawa si tita Audrey habang sinasabunutan niya si ate Loraine at dinudugo daw po siya.
"Panaginip lang iyan iha hmm? Sige na at bumangon kana dyan at makakain kana.
"Ayaw ko po hanggang nandito si tita Audrey,bad siya.Ang bad- bad niya!" Naawa naman si Agnes sa alaga kaya niyakap niya ito.
"I want ate Loraine po,saan na po ba siya?.
"Huwag kang mag-alala ha,pupuntahan ko ang apartment ng pamangkin ko at itatanong ko sa kanya kung saan si ate Loraine mo ok? Agad namang lumiwanag ang mukha ni Angel at niyakap din ng mahigpit si Agnes.
Nakahanap naman ng ma pwestuhan si Loraine.Napagkasunduan nila ng madrasta niya na magtayo ng karinderya malapit sa eskwelahan ng elementarya at high school.Naupahan nila ang dating kainan ni aling Iska na ngayon ay tumigil na sa pagluluto dahil na mild stroke ito.Swerte daw ni Loraine at siya ang nauna sa pwesto,pwede na din nilang maging tirahan ito dahil may dalawang kwarto na para sa kanilang pamilya.Sa Libertad Pasay ito at maraming tao ang dumadaan.Safe naman daw dahil may sarili itong gate at isasarado na lang kung gabi na.Natuwa naman si Loraine dahil 7,000 lang ang upa nila sa nasabing kainan.Kaya agad niyang kinausap ang may ari ng apartment para makalipat din sila kaagad Sayang din ang tatlong libo na nabawas sa upa.Mabuti nalang at mabait ang may ari ng apartment dahil binalik agad ang deposit nila.Hindi na niya kinuha ang sampung libo dahil naka dalawang linggo naman na sila.Nakatingin lang si Loraine sa kapatid niya habang tumutulong sa paghakot.Naawa siya sa kapatid na labing apat na taon na dahil mukhang 10 years old lang ang pangangatawan nito.Mabuti na nga lang at hindi na ito inaatake ng asthma.Ipinangako niya sa sarili na aalagaan na ang kapatid lalo na ngayong magiging ina na siya.Hayaan na lamang niya si Clyde at Angel dahil baka mapahamak pa ang mga ito kung lalapitan pa niya.
Itutuloy..