5 years ago...
Isang taong na kaming kasal ni Xian pero hanggang ngayon ay hindi ko pa rin ito nakakasama ng matagal sa loob ng isang araw.
Madalas ay maaga itong umaalis at gabi na kung dumating.
" Nita " tawag niya sa isang kasambahay na kasing edad lamang niya.
Nakaupo ito sa harapan niya at kasalukyang namamapak ng manok na pinagtripan niyang lutiin kanina.
" Bakit ma'am Agatha?"
Tanong nito pagkatapos nitong uminom ng tubig.
" Gusto kong lumabas samahan mo ko " nakangiting sambit niya rito.
Nanlaki naman ang mata nito ay binitawan ang manok na kinakain nito.
Kaya pala binigyan mo ko ng manok. May ipapagawa ka pala sa akin.
Ayaw ko umiiling na sambit nito sa kanya.
Sumimangot naman siya ay hinatak ang plato na may laman pa.
" Ipagluluto pa kita ng maraming ganito gusto ko lang naman mamasyal sa plaza "
Napabuntong hininga nalang ito at tumingin sa kanya.
" Ano tara na? "
Wala na itong nagawa kung hindi tumayo at naglakad palapit sa pinto.
" Siguradong lagot nyan ako kay Sir. Xian " malungkot na sambit nito sa kanya.
" Akong bahala Nita"
Hinatak nya ito palabas hanggang sa umabot na sila sa labas ng bahay.
Binitawan nya ito at naghanap ng pwedeng sakyan.
May panaka naka kasing dumadaan na sasakyan sa lugar nila.
Maya maya lang ay may dumaan na na tricycle na kaagad naman niyang pinara.
Hinatak niya si Nita at sabay silang pumasok sa loob.
Narinig oa niyang nagdarasal si Nita sa loob ng sasakyan.
Pagdating nila sa plaza ay kaagad na niyang pinara ang tricycle.
Nagbayad siya at muling hinatak si Nita sa bilihan ng mga tuhog-tuhog.
Namiss niya ang pagkain ng mga ito.
" Juice ko siguradong lagot nyan tayo kay Sir. Xian at kapag nagkasakit ka mas lalo akong patay sa sinyor" madramang sambit pa nito.
" Kuya pabili nga pong benteng kwek kwek tsaka sampung fish ball " masayang order pa niya.
Biniwala lang niya ang paghihimutok ng kasama niya.
" Ma'am Agatha siguradong sira ang kinabukasan ko kapag nalaman ito ni Sir.".
" Shhhhh! Wala siyang malalaman Nita kung wala kang sasabihin "
" Aray ko po "
" Ayan kainin mo nalang yan " inabot niya rito ang kwek kwek.
Napailing nalang ito at sinunod ang gusto niya.
Napalingon naman siya sa mangilan ngilan na istudyanteng lumalabas na.
Mukhang break time na nila.
Napangiti nalang siya huminto kasi siya sa pag-aaral dahil nakikipagmatigasan siya kay Xian.
Gusto kasi nitong mag-aral siya ng business management samantalang ang gusto nya naman ay magtake ng culinary.
" Nakakamiss pong mag-aral no ma'am Agatha " masayang tanong sa kanya ni Nita.
Napatingin naman siya rito at kitang kita niya ang inggit sa mga mata nito.
" Ayaw mo na bang mag-aral Nita? Ang balita ko gusto kang pag-aralin ni Xian "
" Nakuuu! Ma'am Agatha hindi ko yan kaylangan ngayon. Marami pa kong pinapakain sa amin kaya hindi ko pwedeng unahin ang sarili ko "
Madramang sambit nito.
Nagkibit balikat nalang siya at pinagpatuloy ang pagnguya.
Kasalukyan siyang kumakain ng may umubo sa bandang likuran niya.
Hindi nya naman iyon pinansin at nagpatuloy lang siya sa pag-kain..
" Ma'am Agatha " tawag pansin sa kanya ni Nita.
Ramdam niya ang takot at kaba sa boses nito.
" Nita bakit ba? " Napalingon siya at nanlalaki ang mata na napaatras nalang ng makilala niya ang lalaking nakatayo sa tabi ni Nita.
" Xian long time no see "
Kunwari ay bati nya pa rito. Inalok nya pa ito ng pag-kain.
" Who told you to go here?" Seryosong tanong nito sa kanya.
" Dadalawin sana kita " pagdadahilan pa niya.
Nilahad nito ang kamay nito sa kanya. Kaagad naman niyang binigay ang kinakain niya rito. Mabilis nitong tinapon ang pag-kain niya.
Pagkatapos ay hinatak siya nito papunta sa school na pinapasukan nito.
Nakasunod lang si Nita sa kanilang dalawa.
Pagdating nila sa office nito kung saan ay may mga nakaupo ring ilang professor.
Nakasunod lang ito ng tingin sa kanila.
Pinauopo siya nito sa upuan sa tapat ng table nito.
" Explain " serysong sambit nito sa kanya.
Magsasalita na sana siya ng may tumawag sa binata.
Kaagad naman itong tumayo at binilinan siyang maghintay.
Imbis na umayos siya ng upo ay tumayo siya para kalkalin ang table nito.
Akmang maghahalungkat na siya ng may tumikhim mula sa likuran niya.
May sakit ba ang mga tao rito.
" Yes " nakangiting sambit niya rito.
Mukhang teacher rin ito rito. Nakasalamin ito at mukhang masungit pero kasing edad lang ito ni Xian.
" Your not a student here " seryosong sita nito sa kanya.
" Sorry " hinging paumanhin niya.
" You need anything? " Takang tanong pa nito.
" Wala po ma'am "
" Then you can go out " tinuro nito ang pinto palabas.
Aangal pa sana siya ng may magsalitang isang guro na malapit lang sa kinalalagyan niya.
" Bisita ni Sir. Xian yan Iveth " nakangting sambit pa nito.
Tinaasan naman ito ng kilay ng masungit na babaeng kaharap niya.
" Ok you my sit down pero wala kang gagalawin sa table na iyan " masungit pa na bilin nito.
Tumango naman siya ay bored na bumalik sa pagkakaupo.
Narinig pa niya ang ilang bulung bulungan sa paligid niya.
Mukhang may gusto ang Iveth na ito kay Xian.
Iniikot nya lang ang tingin niya sa paligid ng mahigip ng mata niya ang isang picture frame.
Kinuha niya iyon ay tinignan.
Napangiti pa siya ng mamukhaan kung sino ang nasa larawan.
Kuha niya ito noong naisipan niyang kulitin si Xian na mamasyal.
Hindi niya alam na tinabi pala nito ang picture na iyon sapilitan pa nga ang ginawa niya para kunan siya nito sa gitna ng maraming bulaklak.
" Your his sister " seryosong sambit ng masungit na babae na ngayon ay nakatingin na pala sa tinitignan niya.
May pagkachismosa din talaga ang teacher na ito.
Hindi naman niya iyon sinagot at hinayaan lang ito sa iniisip nito.
Nanatili lang siyang nakatitig sa larawan ng maamoy na niya pagdating ng isang taong pamilyar na pamilyar ang amoy sa kany.
Binaba kaagad niya ang frame ay nakangiting sumalubong rito.
" Pwede na ba akong umuwi " nakangiting sambit niya rito.
" Xian your sister is waiting for you " nawala ang masungit na aura ng babaeng masungit.
" She's not my sister " simpleng sagot lang nito.
Kinuha nito ang kamay niya at hinatak siya patayo.
Nagulay pa siya ng pagsalikupin nito ang kamay nila. He's holding her hand at kitang kita niya ang pagtingin ng mga tao sa kamay nila.
" Let's go " hinatak siya nito palabas ng office.
Napalingon pa siya sa mga taong naiwan nila sa loob at kitang kita niya ang panlalaki ng mata at pagkatulala ni Iveth. Mukhang mabobroken hearted ang gaga..