Chapter 4

1052 Words
Matapos siyang pagalitan ni Xian ay nagkusa nalang siyang nagkulong sa kwarto niya. Sumunod naman si Nita sa kanya at heto nga dalawa silang nakatulala sa kawalan. Napadako pa ng tingin si Nita sa picture na nasa study table ko. " Siguradong magagalit si Sir. Xian kapag pumasok siya sa kwarto mo " " O I don't think so, wala namang pakialam si Xian sa kung anong ginagawa ko sa kwarto ko " Kahit kaylan naman ay hindi siya nito binisita sa kwarto niya. Madalas ay nasa study room nya lang ito at nagchecheck ng mga paper works ng istudyante nito. " Lumabas ka na nga lang Nita kung wala kang ibang bukang bibig kung hindi si Xian" Inis na sambit nalang niya rito. Namimiss na niya si Nash pati na rin ang kakulitan nito. Ito rin ang nagturo sa kanya kung pano kumain sa tuhog tuhog. Nash teach him everything mga bagay na ayaw ipagawa sa kanya ng parents niya. " Mananahimik na ko ma'am Agathan mahalagang bilin sa akin ni Sir. Xian na wag na wag kitang iiwan mag-isa" " Ok" Tumayo siya at nangalkal sa damitan niya. Napangiti siya ng makita ang bagong damit na binigay sa kanya ni Xian ngayong buwan. Nilabas niya iyon at inabot kay Nita. Magkasing katawan lang kasi sila ni Nita. Mas maganda pa nga ang hubog ng katawan nito sa kanya. " Sayo na yan " sambit niya rito. " Pero bigay sa iyo ni Sir. Xian ang mga damit na iyan " Umirap siya rito at hinagis ang mga damit na hawak niya. " Nita kahit sa susunod na buwan may ibibigay ding damit sa akin iyon kaya mas ok ng pakinabangan na ang iba, kung ayaw mo niyang ibigay mo nalang sa mga kapatid mo " Maluha luhang tinitigan siya ni Nita. " Thank you ma'am Agatha napakabait nyo talaga " " Mamili ka na dyan " Utos pa niya rito. Ngumiti naman ito at tumango. Napakagandang bata talaga ni Nita sayang nga lang at natali na ito sa obligasyon nito sa magulang nito kaya hindi na ito malaya sa gusto nitong gawin. Patuloy lang ito sa pamimili ng damit ng may kumatok sa pinto. Kunot nuong lumakad siya palapit roon. Binuksan niya ang pinto at bumungad sa kanya ang isang matandang babae. May dala ito miryenda. " Pinabibigay po ng sinyorito " Si Nita lang kasi at ako ang tumatawag ng Sir dito. Nakilala din kasi ni Nita si Xian bilang isang guro. Kaya nakasanayan na rin nito ang pagtawag ng Sir sa binata. " Salamat po " kinuha naman niya ang tray ng pagkain at sinara na uli ang pinto. Binaba niya ang tray sa study table niya at binalikan si Nita. Nagsusukat na ito ng iba't ibang klase ng damit. Tuwang tuwa naman siya sa nakikita niya. Aliw na aliw ito sa pagpili ng damit. " Malapit na ang birthday mo Nita anong gusto mong regalo?" Tanong niya rito. " Naku ma'am Agatha kaarawan nyo rin po ang araw na iyon " Nahihiyang sambit pa nito sa kanya. Pareho kasi sila ng birthday ni Nita. At madalas ay binibigyan nya ito mg regalo. " Nita sabay tayong magcelebrate ng birthday natin, ipagpapaalam ko kay Xian " masayang sambit niya rito. Sumimangot naman ito at binitawan ang hawak nitong damit. " Ayan ang hindi mangyayari ma'am Agatha, narinig kong may kausap si Sir. Xian kanina mukhang may balak syang ipasyal ka sa kaarawan mo " sumigla ang boses nito ng mabanggit ang pagpasyal nila ni Xian. Inis naman na nilapitan nya ito. Mas gusto nya pa itong kasama kaysa kay Xian. Madalas wala siyang masabi kapag kasama niya ang binata. Kaya ang ending nanahimik nalang siya sa isang tabi at hinahayaan nalang ito na pangaralan siya. Never din itong gumawa ng mga sweet gesture sa kanya. Madalas ay pinapakita pa nito ang boundary niya. Hindi ito lumalapit o hindi man lang nito hinahawakan ang kamay niya sa tuwing lumalabas sila. Hindi naman sa gusto niyang hawakan siya nito. Nakikita lang niya na kapatid lang rin ang turing sa kanya ni Xian. " Bakit ba ayaw na ayaw mo kay Sir. Xian ma'am Agatha?" Seryoso ng tanong nito sa kanya. Madalas ay tinatanong nya rin iyan sa sarili niya. May mga time na napapaisip siya kung bakit nga ba? Xian is an example of a perfect man. Nandito na ang lahat mabait, gwapo masipag ano pa nga ba ang hahanapin niya. Pero madalas nakukuha nya rin ang kasagutan sa pag-iisip niya at iyon ang naisip niyang isagot kay Nita. " He's like a father to me Nita, mas nakikita ko sya bilang ama ko o kaya ay kuya rather than my husband " " Dahil hindi ka nya pinaghihigpitan o di kaya ay hindi sya nagseselos sayo?" Kuryosong tanong ni Nita sa kanya. Nakibit balikat lang siya bilang tugon rito. Akmang may itatanong pa ito ng may kumatok nanaman sa pinto niya. Si Nita na ang nagbukas. " Sir. Xian " Nabigla pa si Nita ng mabungaran kung sino ang nasa pinto. Hindi niya alam kung bakit pero mabilis na kinuha niya ang  picture ni Nash at tinago sa drawer niya. Bibigyan na sana ng daan ni Nita si Xian ng kaagad siyang pumunta sa pinto. " Anong kaylangan mo?" Tanong niya rito. " Do you have anything to do?" Tanong nito sa kanya. " Wala " Simpleng sagot niya rito. " Change your clothes we will go somewhere " seryosong sambit nito sa kanya. Pagkatapos nitong bitawan ang mga salitang iyon ay naglakad na ito palayo. Napairap nalang siya at inis na sinara ang pinto. " Nita " tawag niya sa dalaga. Nadatnan niya itong kinukuha ang picture ni Nash sa drawer niya habang marahan itong nagpipigil ng tawa. " Nita " sita niya rito. " Sorry ma'am Agatha hindi ko lang talaga mapigilan " " Ayaw ko lang ng gulo " kahit papano naman ay ginagalang pa rin niya si Xian. Kinuha niya ang picture ni Nash at binalik sa pwesto nito kanina. Darating din ang panahon na magiging malaya siya. Matutupad din nila ni Nash ang pangarap nila para sa isa't isa. Ang tanging kaylangan nya lang gawin ngayon ay ang maghintay at mag-tiis sa kinalalagyan niya. Alam niyang balang araw ay pakakawalan din siya ni Xian.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD