Chapter 15

787 Words
Matapos ang araw na iyon ay hindi na makausap rin ng matino si Eliza. Madalas tuloy siyang tunatambay na lang rin sa cafe para maibsan ang pagkainip niya. Hindi rin naman nagtutugma ang schedule nila ni Xian kaya hindi rin sila madalas magkita. " Agatha one chocolate cake " Narinig niyang sambit ng isang waiter sa labas. Tumango naman siya at pinagtuunan ng pansin ang binibake niya. Kilala ang cafe kahit na mga istudyante lang ang nagpapatakbo. Madalas ay may nakikita pa siyang costumer na mga tiga ibang school. " Agatha" napabaling siya kay Zane na pumasok galing sa kusina. Wala na itong suot na salamin ngayon. Kitang kita rin ang kacutan nito sa suot nitong uniform. " Bakit Zane?" Tanong nya rito habang nagmimix siya ng ingredients. " Nandyan si Sir Xian sa labas " sambit nito sa kanya. Kaagad naman itong napansin ng kasama niya kaya inako na nito ang ginagawa niya. Sabay na silang lumabas ni Zane sa kusina at nadatnan nga niyang nakaupo si Xian hindi malayo sa kitchen. Kaagad naman itong lumingon sa kanya ng mapansin siya nito. He's wearing his corporate attire mukhang kagagaling lang nito sa trabaho. Kitang kita rin niya ang pagod sa mga mata nito. " Xian " nakangiting sambit niya sa pangalan nito ng makalapit na siya. Umupo siya sa harapan nito. " What's wrong?" Takang tanong niya. Hindi kasi ito kumikibo at kitang kita niya ang kaseryosohan sa mga mata nito. The last time that I saw him look at me like that is when we first meet in our wedding day. She can't feel any warm. Parang ibang tao ang kaharap niya. " I have a business meeting Agatha " mahinang sambit nito sa kanya. Tumango naman siya at ngumiti rito. Sanay na siyang naiiwan. " How many years?" " Two " diretsong sambit nito sa kanya. Hindi niya alam pero bakit kakaiba ngayon. She can feel the pain. Sanay naman siyang wala ito at masaya pa siya kapag-umaalis ito pero bakit ngayon nararamdam niya ang sakit sa puso niya. " It's ok I'm use to it " hindi niya napigilang mabahidan ng kalungkutan ang boses niya. " I'm sorry Agatha I need to do this for you company ayaw ko namang bumagsak ito dahil sa kapabayaan ko" She understand, madalas ding wala sa bansa noon ang magulang niya because of their business kaya sanay na siya. Tumango nalang siya at hindi na kumibo. Why? He's just a father figure to her pero bakit nakakaramdam na siya ng kakaibang pakiramdam dahil ba iba na ang pakikitungo nito sa kanya this past few days. Dahil ba binibigyan na nito ng malisya ang relasyon nila. " Agatha " napakurap siya at napatingin rito. Ilang minuto na pala siyang nakatulala. " Do you want to go with me?" " Hindi " Dapat masaya siya dahil magiging malaya uli siya. Kaya naman niyang takasan ang mga bantay nito. " Are you sure?" " I'm very sure Xian alam mo namang ayaw ko sa business " Pinilit niyang ngumiti at ipakitang ok lang siya. Pag-alis nito ay pwede na siyang makipagkita uli kay Natalie. " I will not give you any bodyguard this time Agatha " Seryosong sambit nito sa kanya. Nawala naman ang ngiting pinepeke niya at napatingin ng seryoso rito. Ngayon lang naging maluwang si Xian sa kanya but why? Napabaling siya ng tingin sa kamay nito. The wedding ring is not their.. Madalas niyang napapansin noon na suot lagi nito ang wedding ring nila but now it's not their. " Ring " hindi na niya napigilang ibulalas pa. Napalingon naman ito sa tinitignan niya. " I forgot to wear it " simpleng sambit nito sa kanya. Bakit nakaramdam siya ng parang punyal na tumatarak sa puso niya. " Xian, I need to go back " paalam niya rito para mapagtakpan ang sakit na nararamdaman. " Agatha " tawag nito sa kanya. " Yes " " Tomorrow night " Mahinang sambit nito sa kanya. Napakunot naman ang noo niya at napuno ng pagtataka. " My schedule flight is tomorrow night, I need you to clear your schedule tommorow I want to spend the day with you " Ang kaninang kalungkutan na nararamdaman niya ay napuno ng kasiyahan. She don't know why? paanong ngayon ay nararamdaman niya ang ganitong emosyon. Masayang tumango siya rito. Pagkatapos ay kaagad na siyang umalis para bumalik sa kitchen. Magpapaalam siya kay Vivian at magaabesent siya sa klase niya bukas. She's looking forward for the day. Hindi niya napapansin pero alam niyang unti unti nang nakakapasok si Xian sa sistema niya. Pero hindi pa niya kayang pangalanan ang nararamdaman niya. Ngayon nya lang naramdaman ang bagay na ito. Pakiramdam niya ay gulong gulo siya. 
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD