GLORYA'S P O V GLORYA's P O V " Ano ba 'yon!? Ke aga- aga ang iingay! " inis kong sambit nang makarinig kami ni Mama nang tawanan sa kabilang bakuran ng apartment pero hindi pa namin alam kung kaninong unit. Tawanan kasi at tilian na parang kinikiliti na boses ng mga babae. " Parang may bisita si Adonis, sa unit pa lamang n'ya kasi naka- on ang ilaw. " turan ni Mama na noon ko lamang napagmasdan, bahagya pa lamang kasing lumiliwanag kaya kailangan pang may ilaw sa loob ng bahay. " Ano ba naman iyang si Adonis! Hindi n'ya kaya naisip na baka tulog pa ang mga katabi niyang tenant!? " inis ko namang wika, basta kasi lumiwanag ay naglalakad- lakad na si Mama sa bakuran namin na pinaka exercise niya. Ako naman ay magbubukas na ng tindahan katatapos lamang naming uminom ng kape. " E

