GLORYA'S P O V " Hhhmmm! . . T- Tubig! " paos ang boses na sambit ko, sabay mulat ng nga mata at tumambad sa akin ang kulay puting kisame. Naguguluhan man kung nasaan ako ay ibinaba ko naman ang tingin sa gilid ko. Nasilayan ko ang mukha ng dalawang babaeng tila pamilyar sa akin. Nakaupo sila sa silya sa habang nakahiga ako sa hindi normal na silid. Lahat ay kulay puting pintura ang pader at sa pagtataka ko ay bakit may naka- inject na IV fluids sa isanf daliri ko at naka sabit sa itaas ng ulunan ko ang bag niyon na transparent. Sa kaliwang panig ko ay may isa pang kama na katulad nang hinihigaan ko. Subalit, wala pa roong naka higa. Kaya naman mas lalong nalukot ang aking noon. Sa likuran ng mga babaeng kasama ko ay nasa likod lamang nito ang maliit na living area. " Eto ang tubig At

