THIRD PERSON P O V Balik nga sa normal ang buhay ni Glorya, ayon nga sa kanya ay nagawa nga niyang lampasan ang break up nila ni Brent. Ito pa kayang sa kanila ni Adonis? Although, alam niyang mas mahihirapan s'ya ngayon kaysa noon kay Brent. Hindi nga kasi masyadong close ni Brent ang pamilya n'ya tsaka hindi pa s'ya noon nagbubukas ng tindahan. Nagta trabaho pa s'ya noon sa munisipyo. Kaya hindi n'ya ito naisasama na mamili. Kaya natural lang naman na manibago s'ya sa una, ganoon talaga, sanayan lang. Gaya nang pamimili niya sa palengke. Marami man ang nagtatanong kung nasaan ang binata, ang lagi naman niyang tugon ay nagba bakasyon sa kanila sa San Marcelino. Half truth half lies naman ang sagot n'ya. Napag handaan na niya iyon kaya alam na alam na nga niya ang isasagot. Nandoon ng

