THIRD PERSON P O V " No! Hindi ka aalis dahil ako ang asawa mo! Dito ka lang! " mariing pigil ni Ivy kay Adonis nang tangkain nitong umalis sa bahay nila kinabukasan Dito na sila umuwi nang magkaroon ulit ng malay tao kagabi si Adonis nang sumugod siya sa bahay ng kanyang byenan kagabi. Tapos ngayon ay nagwawala na naman si Adonis na umalis ng townhouse nila dahil nanghihingi na naman daw nang tulong ang babae sa kanyang balintataw. " Bakit ayaw mo akong paalisin!? For your information ay hindi valid ang kasal ang natin! " galit na ring wika ng nag- iisang anak ni Aling Loida " At sino naman ang maysabi!? Naka- register na sa civil registrar kahapon pa ang ating marriage contract! " pagak pang tawa nito na tila nagmamalaki " Oo nga! Pero wala naman ako sa matinong isipan! Hah! See,

