THIRD PERSON P O V " Nagkaroon po s'ya ng temporary amnesia, Misis. Kaya iyong ibang bagay o tao, lugar ay hindi n'ya matandaan sa ngayon. " paliwanag ng doctor nang tawagin nila Aling Loida para i- check up ulit ang anak, dahil kahit anong paliwanag kasi nila rito ay hindi raw n'ya kilala si Glorya. " Kaya naman po pala, hindi n'ya nakikilala ang kanyang kasintahan! " malungkot namang saad ni Cynthia " Oh!? How sad, but, temporary lang naman, maaaring mamaya, bukas o sa isang ay pwedeng bumalik ang kanyag memorya. Hindi po natin masasabi kung kailan ang exact time and date, kaya pag tiisan lang po muna natin s'ya at intindihin na lamang. " mahabang paliwanag naman ng doctor sa kanila Pawang kalungkutan naman ang mababakas sa mga mukha ng babae sa buhay ni Adonis. Ang binata naman ay

