THIRD PERSON P O V " A- Akala ko ho . . n- nakinig kayo kay N- Nanay na kapag bumalik na lamang po ang a- aking m- memorya ay tsaka natin . . p- pag- uusapan ang kasal po namin ni I- Ivy? " nauutal pang kontra ni Adonis sa ama " Ganoon din naman iyon! Sa kasalan din kayong dalawa mauuwi kaya agahan na lamang natin at aalis kasi ang Judge na magkakasal sa inyo! " giit oa ng Daddy niya Wala namang kumikibo sa babaeng mapapangasawa sana niya at sa mga magulang nito. " B- Baka ho pwedeng . . . i- postpone muna ang k- kasal namin? " paki usap pa niya Napa singhap naman ang mag- anak na kaharap nilang mag- ama. Napa tingin pa ang mga ito sa Daddy ng binata na tila hindi nagustuhan ang sagot nga ni Adonis. " Hindi ka ba naman nahihiya, anak, sa mga kaibigan ko!? Sabihin pa nila na

