GLORYA'S P O V GLORYA'S P O V " Anak! Anak! Lumabas ka muna nga riyan! " dinig kong tawag ni Mama na may kasamang katok sa naka saradong pinto kaya naman naalimpungatan ako at naghihikab na isang mata lamang ang nakadilat na tinungo ko ang pinto ng aking silid para pagbuksan s'ya. " Bakit po ba? May masakit po ba sa inyo? " usisa ko at tila nawala ang antok ko nang maalala kong baka may iniindang karamdaman ang aking Ina. " Wala naman! " natatawa pa nitong tugon, " Mag- ayos ka ng sarili mo at bumaba ka mayroon kang bisita. " " Ho!? Anong oras na ho ba at may tinanggap pa kayong bisita e gabi na!? " kunot noong sambit ko naman at tumingin sa wall clock sa loob ng aking silid ag nagulat pa ako dahil kalahating oras pa lang pala mula ng ako ay mahiga kanina. " S- Sige po, mag- ay

