GLORYA'S P O V Hindi na maliliit na karayom ang naramdaman ko nang marinig ko mismo sa aking harapan na payag na si Adonis na magpa kasal sa anak ng kaibigan ng Daddy niya. Waring punyal na ang tumarak sa puso ko sa aking narinig, kaya hindi na ako makatagal at nag tatakbo ako palabas. Sumandig muna ako sa puno ng buko tsaka roon tumangis nang tumangis. Dalawang palad ko na ang naka takip sa aking bibig h'wag lamang marinig ng mga tao sa loob. Hindi ko na nga alam kung ilang minuto akong nag ngunguyngoy. Hinamig ko lamang ang aking sarili nang makarinig ako ng tunog ng motor na paparating. Sinilip ko iyon kung saan papatungo, nang matanaw kong dito pala ang sadya ay pa kubli- kubli pa ako sa mga puno para makalapit ako sa bakod na bato ng bakuran. Para hindi ako makita ng Driver nila

