ADONIS' P O V " Saan ba tayo kakain? Marami na tayong nadaanan na eatery. " busangot ang mukhang tanong ko kay Ivy habang naka sakay kami sa tricycle na pinara niya. Kami ulit dalawa ang nasa loob samantalang si Jeff ay sa likod ng Driver sumakay. Hindi ko pa rin s'ya tinatanong tungkol sa pagkawala n'ya kanina. " Sa touwnhouse natin! " tila excited pa niyang tugon " What!? Ano naman ang gagawin natin doon!? Ang dami naman ditong pwedeng kainan natin! " kunot ang noong sagot ko naman " Para matikman mo naman ang luto ko, at baka mag bago ang isip mo na ipa walang bisa ang kasal natin. " tila nakaka loko pa s'yang ngumisi ng malaki Pagak na lamang akong natawa, hindi ko lang masabing kahit anong gawin niya ay hindi ko s'ya magugustuhan unless gagamitan niya ako ng gayuma. Hindi

