THIRD PERSON P O V " Pwede ba umalis ka riyan at bahala na ang nanay kong mag- alaga sa akin! " pa singhal pang pag tataboy ni Adonis kay Ivy ng hindi pa rin ito umaalis sa loob ng kangyang recovery room subalit, hindi naman ito nagpa tinag sa pagkaka upo sa sofa ng mini sala ng silid. Kaka- alis lamang ng kanyang Neurologist at ilang test pa raw ang gagawin sa kanya bago s'ya makauwi sa bahay. " No! Kahit dito lang ako, ayos lang! " pamimilit naman ng babae kaya inirapan lamang s'ya ni Adonis " Bakit hindi ko ho ma- contact si Daddy? " iritable pang sambit ni Adonis " Aba! Hindi ko alam, si Cynthia kaya ang tawagan mo. " wika namang suhestyon ni Ginang Loida Cellphone number nga ng kapatid niya ang tinawagan. " Hello, Cynth, si Daddy? " malumanay namang tanong niya nang sagut

