GLORYA'S P O V Tila naman ako may sakit na nakaka hawa na ayaw tabihan o makita ni Adonis. Kaya naman ang puso ko ay durog na durog na. Kung kaya ko lamang talagang bumyahe na ay uuwi na talaga ako sa amin sa San Manuel. At, mag- uumpisang kalimutan s'ya kahit hindi ko alam kung papaano? Ito na nga ba ang kinatatakutan ko na masasaktan na naman ako dahil sa pag mamahal. " Kkrriinggg! " napa pitlag pa ako nang mag- ring ang aing cellphone na nasa bulsa ng suot kong short " Ahm, s- si kuya ho, sagutin ko lang po ito. " paalam ko kay Nanay Loida nang masilayan ko ang pangalan ng kapatid ko panganay sa screen aking cellphone " Sige, sige! " tugkn naman nito na busy sa pag hahanda ng aming magiging hapunan sa kusina, tinu tulungan ko kasing mag hiwa ng mga gulay kahit pinipigilan ako.

