GLORYA'S P O V " H'wag mo nga kasi silang pansinin! Deadma ka na lang! " utos ni Adonis sa akin, naglalakad na kasi kami sa patio ng simbahan, palabas na dahil katatapos lamang naming mag- attend ng sunday mass. Holding hands kasi kaming dalawa kaya naman takaw pansin sa mga nakaka salubong at sabay namin sa daan. " Opo! " kiming saad ko na lamang na tila batang napagalitan ng magulang tsaka bahagya akong yumuko para hindi ko makita ang mga mukha nilang tila hindi makapaniwalang may kasama akong mas bata sa akin. Ayaw naman kasing pumayag ng binata na alisin ko ang aking kamay mula sa pagkaka daop ng kamay n'ya. Hanggang sa makarating kami sa eatery na kinainan namin noon na kasama si Mama, hindi namin nakasama ngayon si Mama dahil nandoon s'ya sa isang kapatid ko, sa isang araw pa

