Dumating na nga ang araw na hinihintay ni Sky, their graduation day. Magkahalong kaba at excitement ang nararamdaman niya sa mga oras na iyon. Pero syempre ay mas nangingibabaw pa rin ang kaligayahang nararamdaman niya dahil maliban sa saglit siyang malalayo kay Ayesha ay malapit na niyang matulungan ang kaniyang ama sa pagpapatakbo ng kanilang kompanya. After the baccalaureate mass in the morning ay umuwi kaagad si Sky para makapagpahinga at para siyempre fresh looking siya mamaya kapag umakyat na siya sa stage. Ngayon ay alas kuwatro y medya na ng hapon kaya naman bumangon na siya para maligo. Six in the afternoon pa naman ang start ng ceremony kaya saktong-sakto lamang kung ngayon na siya magsisimulang kumilos. Pagkaalis sa suot na sando ay magtutungo na sana siya sa banyo roon lang d

