Namangha si Ayesha sa sobrang lawak at ganda ng eskwelahang pinasukan niya. Sa tingin niya nga ay hindi sapat ang dalawang araw para maikot ang kabuuhan niyon sa sobrang luwang. Hindi niya kabisado ang pasikot-sikot doon pero alam niya naman ang papunta sa Business Administration building dahil nanggaling na sila roon ni Margarette noon nang samahan siya nitong mag-enroll.
Magkahalong kaba at saya ang nararamdaman niya lalo na nga nang maka-apak na siya sa mismong building nila at makita ang mga kapwa niyang Business Administration student. Lahat ng nakasasalubong niya roon ay mukhang mayayaman talaga. Bigla tuloy siyang na-conscious.
Habang inaalala ni Ayesha ang daan papunta sa may elevator ay natanaw niya sina Sky na naglalakad na animo'y hari doon sa may hallway habang may babaeng akbay-akbay, nakakapit pa nga ito sa bewang ng binata. Kasama rin nito si Storm na tulad ni Sky ay may kasama ring babae at syempre sina Thunder at Cloud.
Kaagad siyang tumalikod at nag-iwas ng tingin dahil naalala niya ang bilin nitong ayaw nitong nagkukuros ang landas nilang dalawa. Kaya lang, nakakailang hakbang pa lamang siya nang marinig niya ang boses ni Cloud.
"Yesha!" tawag nito sa kaniya. Nagdadalawang-isip tuloy siya kung lilingunin ba ito o hindi dahil nga kasama nito si Sky. "Hey!" napapitlag pa nga siya sa gulat nang naroon na sa tabi niya si Cloud.
"H-Hi!" nahihiyang bati niya naman dito.
"Hi, Yesha!" bati rin sakaniya ni Storm.
"H-Hello," nauutal na sagot niya. Pakiramdam ng dalaga sa mga oras na iyon ay bumaluktot na ang dila niya kaya hindi siya makapagsalita ng diretso. Nang mapalingon naman siya kay Thunder ay tinanguan siya nito bilang pagbati so she nodded back.
"Ihahatid ko muna si Eunice. Tawagan niyo na lang ako mamaya kung saan ko kayo pupuntahan," Paalam ni Sky sa mga ito bago tuluyang umalis. Ni hindi man lang talaga siya tinapunan ng tingin nito.
"Sasamahan ko rin muna si Grace maghanap sa classroom niya," sambit naman ni Storm.
"I am not Grace! My name is Paula," nakasimangot naman na sambit ng babae bago mag walk out.
"Ngayon ay wala na akong sasamahan," nakangiwing sambit ni Storm.
"Ako ang samahan mo. May titignan akong libro sa library," ani Thunder.
Mas lalo namang nalukot ang mukha ni Storm."Boring," bulong pa ng binata. Iiling-iiling namang nauna ng naglakad si Thunder. "Hintayin mo ako! Wala akong pupuntahan, hoy!" sambit naman ni Storm at saka nagmamadaling hinabol ang kambal.
"Pasensya ka na sa mga iyon, ha? Sanay ka na naman 'di ba? Mukha lang matanda ang mga iyan pero isip bata talaga. Lalo na iyang si Storm," natatawang sambit na lang ni Cloud habang nakasunod ang tingin sa papalayong kambal. "Is that your schedule?" maya-maya ay tanong nito nang dumako ang tingin sa hawak niyang papel. Nahihiyang tumango na lang naman ang dalaga bilang tugon. "May I see?" tanong pa nito, walang salitang inabot niya naman dito ang hawak.
Hindi niya alam kung bakit sa tuwing kaharap niya si Cloud ay tila ba napipipi siya. Kahit na dati pa naman itong approachable at parati talaga siyang pinapansin ay nahihiya pa rin siya.
Because you have a crush on him.
Tila hiyaw naman ng kabilang bahagi ng utak niya kaya napayuko siya. Bigla na lang kasi siyang tinamaan ng hiya, alam niya rin namang imposibleng magkagusto rin ito sa kaniya kaya hindi niya maintindihan ang sarili kung bakit hindi niya mapigilan na hindi humanga rito.
"Sa third floor pa pala ang room mo. Samahan na kita."
"W-Wala ka bang klase ngayon? Nakakahiya naman kasi baka maka-abala pa ako saiyo. At saka---"
"It's the first day of class at wala naman iyong professor namin so, wala akong gagawin. At saka anong abalang sinasabi mo riyan? You will never be a bother to me," malawak ang ngiting sambit pa nito at saka ginulo ang buhok niya. Mas lalo tuloy namula ang kaniyang pisngi. "Sorry. Minsan talaga ay nakakalimutan kong dalaga ka na. But anyway, wether you like it or not, you will always be my little princess."
Mas lalo pa ngang kinilig si Ayesha sa tinuran ng binata at ng tingalain niyang muli ito ay ang malawak na ngiti ni Cloud ang sumalubong sa kaniya. Ayesha shyly smiled back. Alam niyang walang malisya rito ang kung ano mang lumabas sa mga bibig ngunit may parte pa rin syempre sa pagkatao niyang gustong umasa.
Ano na lang ang masasabi ni Tita Margaret kapag nalaman niya 'yang kahibangan mong bruha ka?
Unti-unting nabura ang ngiti sa mga labi ni Ayesha sa naisip. Hindi niya gustong magalit sa kaniya si Margaret kaya hindi niya dapat hayaang lumalim ang kung ano mang nararamdaman niya para kay Cloud.
"Are you okay? Kinakabahan ka ba?" maya-maya ay nag-aalalang tanong nito nang mapansin marahil ang biglaang pagbabago ng reaksyon niya.
Sunod-sunod siyang umiling bilang tugon. "O-Okay lang ako," alanganing sagot niya at saka tumingin sa relo. "Thirty minutes na lang pala at magsisimula na ang unang klase ko."
"Believe me, walang darating na professor," sagot naman ni Cloud at saka tumawa. "Pero, tara na sa taas. Para naman makilala mo na ang mga classmates mo."
Habang naglalakad sila sa may hallway ay hindi maiwasan ni Ayesha na hindi makaramdam ng hiya dahil pinagtitinginan sila ng lahat ng nakakasalubong nila. Nakangiti ang mga ito kapag nakatingin kay Cloud at bigla na lamang tumatalim ang tingin kapag napalingon sa kaniya.
"C'mon, Yesha. Heads up, okay? Be confident and don't show them that you are weak. Baka isipin nila ay binu-bully kita kaya ka nakayuko riyan," sita nito sa kaniya ng makasakay na sila sa elevator. At nang hindi pa rin ito makontento ay hinawakan nito ang baba niya para tulungan siyang mag-angat ng tingin. "See, this is better. Hindi mo dapat itinatago ang maganda mong mukha. Kung parati kang nakayuko habang naglalakad, bumbunan at anit mo ang bubungad sa mga makakasalubong mo. Huwag kang kabahan o matakot. You got me, I got your back. If anyone try to mess up with you, I will hunt them kahit pa sa panaginip na nila."
Muli namang sumilay ng unti-unti ang ngiti sa mga labi ni Ayesha. "T-Thank you." Nakagat na lamang ng dalaga ang ibabang bahagi ng labi. Kanina pa kasi siya nauutal magmula ng kausapin siya ng binata. Baka mamaya ay makahalata na itong kinikilig siya.
"No worries," he said as he tapped her head. "Nandito na tayo, you have my number right? Tawagan mo ako kaagad kung sakali mang magka problema o kapag kailangan mo ng kasama."
Tumango-tango si Ayesha bilang tugon. "Salamat ulit."
"Sige na, pumasok ka na." Kinawayan niya pa ang binata bilang pamamaalam bago tuluyang pumasok sa kanilang classroom.
Sa bandang dulo siya umupo dahil ayaw niyang makakuha ng masyadong atensyon. Napalingon siya sa paligid, halos karamihan sa mga naroon ay mukhang matagal ng magkakilala dahil masigla ng magkakausap ang mga ito. O baka sadyang magaling lang makisama ang mga ito kaya ganoon.
Mas prefer niya rin naman kasi ang mag-isa kaysa makihalubilo sa mga tong hindi niya naman lubusang kilala dahil ayaw niya na ngang maulit ang kung ano mang naramdaman niya noong nasa elementary at high school pa lamang siya kung saan nagmukha siyang nanlilimos ng atensyon kaya ginagawa siyang uto-uto ng mga inaakala niyang kaibigan.
Kinuha na lamang niya ang earphones sa loob ng kaniyang bag at nakinig na lamang siya ng music habang hinihintay dumating ang kanilang professor. Kabilin-bilinan din naman sa kaniya ng kaniyang Tita Margaret na huwag basta na lang makipag kaibigan sa kung sino kaya nanahimik na lang talaga siya roon sa isang tabi.