Nasa mall ngayon ang magkakaibigang Sky, Cloud, Thunder at Storm para bumili ng susuutin para sa kanilang nalalapit na pagtatapos sa kolehiyo tatlong araw mula ngayon. Nababagot na nga ang tatlo dahil halos magdadalawang oras na silang paikot-ikot doon. Paano ba naman kasi ay akala mo babae kung mamili si Storm. Napakapihikan at hindi kaagad makapili ng bibilhin. "Gutom na ako, Storm. Hindi ka pa ba tapos?" reklamo ni Thunder. Naroon sila ngayon sa isang jewelry store dahil naisipan nitong bumili ng relo. Pero magkakalahating oras na naman silang naroon ay wala pang napipili ito. "Sige, ganito na lang," singit ni Sky. "Maghanap na kayo ng makakainan. Kayo na rin ang bahalang mag-order para sa amin. Ako na ang maiiwan dito kasama siya, tutal ay balak ko ring bumili ng relo. Tawagan niyo

