Kakaupo pa lang ni Ayesha sa may student center para sana roon kumain ng lunch nang bigla na lamang na namang sumulpot doon si Aila. "Excuse me? Puwesto kasi namin ito. So if you don't mind, pwede bang maghanap ka na lang ng ibang lugar?" maarteng sambit nito habang nakataas ang kilay. Maging ang kasama nitong dalawang babae ay masama rin ang tingin sa kaniya.
"Nabili niyo ba ang lugar na ito? Hindi naman 'di ba? this is a school property. I don't care kung senior kayo at freshmen lang kami. Pare-perehas lang tayong nagbabayad ng tuition free rito kaya wala kayong karapatang magpa-alis ng studyante rito. If you think I am wrong, bakit hindi natin ito i-settle sa guidance office? Or much better, sa dean's office na lang?" maging si Ayesha ay nagulat nang bigla na lamang sumingit ang isang babae.
Namumukhaan niya ito. Sigurado siyang isa ito sa mga kaklase niya. At hindi niya inaasahang ganoon katapang ito kahit na baguhan pa lang din naman itong katulad niya roon.
"Who do you think you are, ha?" sambit naman ni Aila rito.
"Why? Who do you think you are?" tanong nito pabalik at naglakad pa nga papalapit kina Aila. Napa-atras naman ang mga ito. "Who gave you the right para umastang superior sa lugar na ito?"
"Let's go, girls. Wala akong panahong makipag-usap sa mga losers na ito. I won't stoop down to their level," maarteng turan naman nito. She even flipped her hair and rolled her eyes at them bago tuluyang umalis. At kaagad naman ngang sumunod dito ang dalawa nitong alipores.
"Ang yabang-yabang pero duwag naman pala," iiling-iling na sambit naman nito bago bumaling sa kaniya. "Anyway, I am Zandra Villanueva and we are from the same class." She then offer her hands for a shake hands.
Agad niya namang inabot iyon at nakipagkamay siya rito. "I am Ayesha Mendoza."
"Bakit ka ba pinag-iinitan nang babaeng iyon?" tanong nito nang maka-upo na silang dalawa. "I saw what happened earlier. Sinadya ka niyang banggain so obviously, intentional din ang pagtapon ng inumin niya sa iyo."
"Hindi ko rin alam kung bakit niya ako pinag-iinitan," sagot niya naman habang inaayos ang lunch box na dala. Hindi naman siguro siya kinausap ni Sky para i-bully ako. Dagdag niya pa nga sa isipan.
Hindi na naman umimik pa si Zandra. Lihim niya itong pinasadahan nang tingin habang abala rin ito sa paglabas at pag-aayos sa lunch nito. Sa unang tingin pa lang ay malalaman na agad na matapang ito. Hindi niya alam kung dahil ba sa eyeliner nito o talagang palaban lang talaga ang mukha ng dalaga.
Bumagay ang kulay pink at maikli nitong buhok sa hugis puso nitong mukha. Mas lalo pa ngang na-emphasize ang pagiging singkit nito dahil nga sa eyeliner nito. All in all ay maganda at sexy ang datingan nito. She's wearing a skirt revealing her long legs paired with a sleeveless top. Kahit revealing itong magdamit ay hindi naman ito mukhang bastusin. Napaka-puti at pino nang kulay ng balat nito. At base sa mga branded na gamit, nasisiguro niyang galing din sa mayamang pamilya ang dalaga.
At habang nasa kalagatnaan nga sila ng panananghalian ay biglang nag-ring ang cellphone niya kaya agad niya itong kinuha mula sa loob ng bag. Cloud is calling her. "Hello?" bungad niya nang masagot ang tawag.
"Where are you?"
"Having lunch dito sa may student center."
"Okay. Wait for me there."
Hindi na siya pinatapos magsalita nito. Busy tone na nga ang sunod niyang narinig sa kabilang linya. Maang na napatingin na lang tuloy siya sa screen ng cellphone. This is the first time na tinawagan siya nito kaya medyo nasa state of shock pa siya.
Matagal ng naka-save sa kaniya ang number ni Cloud at minsan niya na nga ring na-message ang binata nang batiin niya ito during his birthday. Hindi niya rin inaasahang na-saved nito ang number niya.
"You are blushing. Who is that? Your boyfriend?" At saka nga lang siya nabalik sa kasalukuyan nang marinig ang boses ni Zandra. Hindi niya namalayang saglit pala siyang natulala.
"H-Ha? Hindi, ah. I don't have a boyfriend," nauutal na sagot niya naman dahil bigla siyang nahiya. Yumuko na nga lang siya at itinuon muli ang atensyon sa pagkain para itago rito ang pamumula ng kaniyang pisngi.
"Then it must be someone you like," patuloy naman nito sa pang-aasar sa kaniya. "Is he hot? From what college he is? Nililigawan ka ba niya? Is he a freshman too?" sunod-sunod pa ngang tanong ng dalaga. Ngunit hindi niya na nasagot pa iyon dahil dumating na nga si Cloud. Hinihingal pa nga ito nang huminto sa harap niya.
"Sorry kung ngayon lang kita nabalikan. May klase ako kanina at ngayon lang natapos," anito ng mahabol na ang paghinga. "Here, I bought you a shirt para mas comfortable kang makagalaw." Inilapag nito sa mesa ang dalang paper bag. "My shirt is too big for you kaya nag-alalala ako na baka hindi ka makakilos ng komportable. Until seven in the evening pa ang klase mo today right?"
Tumango naman siya bilang tugon. "H-Hindi ka na dapat nag-abala pa. Nakakahiya naman. Masyado---"
"Oh c'mon, Yesha. Kahit kailan ay hindi ka abala sa akin. Para ka namang bago ng bago, eh. Maliit na bagay lang naman ito. But I will really feel bad if you won't accept this. So take it, okay?"
"O-Okay," pagsang-ayon na lang niya.
"O siya, Mauna na ako, ha? May training pa kasi kami today. Tumakas lang ako saglit kay coach, eh. Bye! See you around!" sagot nito bago patakbong umalis. Kabilang sina Cloud at Sky sa mga varsity player ng basketball doon sa university nila samantalang volleyball player naman ang kambal. Kaya nga maraming admirers ang mga ito dahil hindi nga lang sila gwapo, bukod sa pagiging matalino ay talented at athletic pa ang mga ito.
"You seem very nervous while talking to that guy. Very obvious that you have feelings for him," maya-maya ay muling tudyo sa kaniya ni Zandra.
"Ha? Hindi, ah. Magkaibigan lang kami. At saka, alam ko namang wala akong pagasa sa kaniya kaya hindi naman ako umaasa."
Nagulat si Ayesha nang bigla na lamang tumawa si Zandra kaya naman maang na napatingin siya rito. "Oh my gosh, I am sorry for laughing. Natawa lang kasi ako sa reaksyon mo. Parang may halong pagkadismaya at sakit kasi iyong sinabi mo."
"Hindi, ah. Walang malisya ang sinabi ko. Wala talaga akong gusto kay Cloud," giit niya pa rin. Ayaw niyang may makaalam na may pagtingin siya kay Cloud dahil nga natatakot siyang baka isipin nipang napaka-ambisyosa niya para pagpantasyahan ang katulad ni Cloud.
"Okay! sabi mo, eh," sagot na lang naman nito habang may nakakalokong ngiti pa rin sa mga labi. Hindi na lang naman siya umimik pa dahil nga baka mas lalo lang siyang asarin nito. Malay pa ba niya kung kumukuha lang ito ng pwedeng ma-tsismis sa iba na tungkop sa kaniya. Gaya nga ng sabi sa kaniya ng Tita Margaret niya, hindi siya dapat basta-basta na lang nagtitiwala sa mga tao sa paligid. Dapat ay kilalanin munang mabuti at iyon ang gagawin niya. Kung magpapatuloy si Zandra sa pakikipagkaibigan sa kaniya ay pakikiramdaman niya muna itong mabuti. Dahil nga ayaw niya ng mangyari ang tulad sa nangyari noon. Na meron nga siyang kaibigan, kaya lang ay ginagamit lang naman siya at pinagtatawanan pa behind her back.