Tila may kamay na humaplos sa puso ng dalaga nang makita ang disenyo ng cake. Pakiramdam niya ay napaka special niyang tao dahil sa effort ni Cloud na ihanda ang mga iyon. "Kahit wala namang ganito ay okay lang. Masaya na akong may kasama akong nakakaalala sa kaarawan ni Mommy." Ngumiti lang naman si Cloud bago sindihan ang kandilang itinusok nito sa cake. "Here, make a wish and send a message to your mom." Pinikit ng dalaga ang kaniyang mga mata. Happy birthday, Mom. Kung nasaan ka man ngayon, 'wag po kayong mag-alala dahil hindi naman ako pinapabayaan nina Tita Margaret. I promise to stay strong and make you proud. Anyway, this is the first time I will celebrate your birthday with someone so I am very happy. I love you, Mom. Always and forever. "Thank you so much, Cloud," pasasalama

