Sumapit ang araw ng grand opening ng TGH.Maraming bisita ang dumalo na pinangungunahan ng mga kapatid ni Timothy. At dahil sila ni Max ang nakatoka sa paghahanda ng mga pagkain ay naging busy silang dalawa sa kitchen. Si Max ang nakatoka sa main dishes samantalang siya ay sa mga desserts. Nang handa na ang lahat ay nagbihis na sila ulit upang pumunta sa Diamond hall na pinakamalaki sa lahat ng hall ng hotel. Punong-puno ang venue nang pumasok sila ni Max sa loob. Kasalukuyang busy ang lahat sa pagkain.Umupo sila sa pinakadulo dahil doon na lamang may bakanteng mesa. "Gurl, kumain na tayo." anyaya sa ni Max. "B-busog pa'ko eh. M-mauna ka na." saad ko rito. Hindi ako nakaramdam ng gutom dahil sa sobrang busy kanina. Tumayo si Max at nakita niyang pumila na rin sa buffet table. Pinagmas

