" Baby, magbihis ka na.May pupuntahan tayo saglit lang." utos sa kanya ni Timothy. Katatapos lamang niyang patulugin ang triplets. Napakasaya ng kanyang pakiramdam habang tinititigan ang mga gwapong anak. Hindi magtatagal ay madadagdagan na naman ang mga anak nila. Malapit ka ring maging three years old ang tatlo at tiyak na sa araw na 'yon ay malaki na naman ang tiyan niya. "Saan ba tayo pupunta?" "Basta, sumama ka na lang." sambit nito. Nagsuot lamang siya ng maiksing bestida puffed sleeves na kulay cotton pink. Nagpulbos at kaunting lipstick lamang para mabawasan ang kanyang pamulutla dahil sa kanyang paglilihi. Nang dumating sila kahapon sa penthouse ay jaagad na bumili ng maraming prutas si Timothy na hindi niya akalaing mauubos niya agad-agad. "Tim, nilalagnat ka ba? Okay ka l

