Third POV " Eloisa, pwede ba'ng iwasan mo si Jelaine, kung anu-anong kalokohan ang itinuturo ng amazonang 'yon sa' yo!" saad ni Timothy sa asawa na abala sa pagnguya ng hilaw na mangga na idinidildil sa asin na may sili. " Ba't ka ba ganyan Tim? Nagsasawa ka na ba sa pagbili ng mga pagkaing gusto ko ha? S-sabihin mo lang dahil ako na lang ang bibiyahe. Si Ate Jelaine pa talaga ang dinadahilan mo!" inis niyang turan sa asawa na walang tigil pa rin sa pagkagat sa isang buong mangga. " Sino ba naman ang matutuwa sa kanya. Parang araw-araw na lang pinagsusulsol sa'yo ang mga specialty na pagkain ng iba't ibang lugar, mabuti sana kung dito lang mahanap sa Manila eh sa visayas at mindanao pa. Natatawa siya sa itsura ni Timothy. Stress na talaga ito sa kanya at lalo na kay Jelai na panay su

